CHAPTER TWENTY-EIGHT- PRETENDING AND RUNAWAY

1620 Words
Irish's POV Pauwi na ako galing school at nabike lang ako dahil sa nasira ang gulong ng sasakyan ko. Foldable naman kasi ang bike ko kaya nalalagay ko sa likod ng sasakyan ko. Hindi ko pa rin talaga hindi maiwasan na isipin ang mga narinig ko. Simula noong narinig namin ang kabuuan ng sagot nila pinilit naming maging busy sa school. Even Risa.  Si Axel sabi nya may girlfriend daw sya and that make Risa cry hard. Sabi naman ni Terrence na wala pa raw syang balak na maggirlfriend at dahil doon nawalan ng gana si Marian he even said na wala pa syang first kiss even if si Marian na ang nakakuha noon. Si Troy naman sabi nya wala syang bestfriend bukod sa mga lalaking kamyembro nya. Ang sakit nun ah! Ako best friend tapos dineny ako? Si Oliver naman ayun trip nya lang daw na maging sweet sa kababata nya same as Pao. Napagdesisyunan din naming hindi sabihin sa kanila na alam namin ang tungkol doon. We private ouf sss accounts at lahat ng post namin naka costumn. Only Marian, Risa, Dia and Ash can read it. Napahinto naman ako ng may biglang sumulpot sa harapan ko. "AY WALANGHIYA KANG ASO KA! HOY ABA GUSTO MO BANG MAGPAKAMATAY?" Sigaw ko pero nung nakita ko kung sino gusto ko kumaripas ng takbo. "Nakamamatay ba babundol ng bike?" Sabi nya na may nakakalokong ngiti umirap naman ako. Yan. Isa sa napagkasunduan namin. Act naturally. "Sana nga" bulong ko sa sarili ko. "Ano?" "Wala ang sabi ko bakit ka ba paharang harang jan di mo ba nakitang nagmamadali ako?" "Nagmamadali ka pala? Kaya pala para kang lutang habang nagbabike?" "Pasensya ba po ha? Busy lang maraming iniisip" inis na sabi ko. At isa ka na doon sa pinagkakabusyhan kong isipin. "Pwede ka bang makausap?" Napataas naman kilay ko. "Magkausap na tayo go naghihintay sakin sila Dia may kailangan pa kaming gawin" sabi ko sa kanya at bumaba ng bike. "Ano gusto ko lang magsorry" "Magsorry saan?" Yan sige Rish patayin mo ang sarili mo! Patayin mo ang totoong ikaw sa pagpapanggap mo! "Doon sa video?" "Anong video?" "Hindi nyo pa ba napapanood?" "Ang alin ba?" "Ah wala" tapos ngumiti sya. Wala ka ba talagang balak saluhin ako Pao? Masakit ang lalaglagan ko. "Iniiwasan nyo ba kami?" Tanong nya pa napataas ang kilay ko saka natawa. Nice. Ang galing mong magpanggap Rish. "Bakit anong nakakatawa? Simula noong umuwi ako galing mall show dumeretso ako sa inyo kaya lang sabi ni tita Aia tulog ka na daw" "Pumunta ka?" Sus kunwari ka pa Rish alam mo naman eh busy ka lang mag emote. "Oo. Saka noong nakaraang araw pumunta kami sa bahay mo kasi wala sila Dia sa kanila ganun din si Marian at Risa alam kong wala din sa bahay si Ash dahil sinabi sakin ni yaya kaya nung pumunta kami sa inyo sabi umalis daw kayo" "Aah noong nakaraang araw? Nasa school kami n-" "Pumunta kami sa school nyo" "What?" "Pero walang nakakita! At wala kayo doon. Iniiwasan nyo ba kami?" Natawa ulit ako. Oo Pao iniiwasan namin kayo di nyo ba nahahalata? Oh wait nahahalata na pala. "No Pao nandoon kami sa school. Hindi mo lang talaga kami makikita sa office dahil nasa library kami that time at nagpunta din kami sa national book store. May tanong ka pa ba? Kailangan ko nang umalis baka magalit sila Ash." "Saan kayo ngayon?" "Nakila Risa kami pero may gagawin kaming documentary kaya aalis din kami doon" at aka ako sumakay ng bike "Ayaw namin ng istorbo please lang pagsumama kayo panigurado masisira ang documentary namin. Bye" tapos pinatakbo ko na ang bike. Pagliko ko ng tatlong beses ay agad akong tumigil at saka ko pinunasan ang luha ko. Bwisit na yan. Painlove di naman pala mananalo. -- "Rish why so tagal?" Inis na sabi ni Ash. "Nakita kasi ako ni Pao nagtanong sakIn" "Oh my gosh are you okay?" Tanong naman ni Dia. "Slight" nakangiti ngunit malungkot kong sagot. Nagkatinginan kami at saka inayos ang mga gamit namin. Nagdala kami ng kanya kanya naming laptop at saka kami nagdala din ng kanya kanyang gamit. Aalis kami ngayon at di alam nila mommy kung saan but they trust us so they didnt ask. "Ano namang sabi mo sa kanya?" Tanong ni Marian. "Unahin muna ang tanong" sabi ni Risa. "Nagtanong sya kung nasaan daw tayo lagi, pati kung nasaan daw tayo noong isang araw." "Anong sagot mo?" Tanong naman ni Marian. Ang totoo nyan nasa office kami noon nasa banyo to be specific. May kurtina na sa banyo kaya hindi nakikita ang pjnto at hindi din naman nila alam na may dalawang banyo doon. Yes pjnagtataguan namin sila, ayaw namin silang makita. Sinuswerte nga talaga sjguro ako dahil nakita ko si Pao bago kami umalis. "Ang sabi ko nasa school pero sabi nya naman na wala tayo doon sagot ko? Nasa library tayo at after nun pumunta ng national bookstore. Nagtanong la sya kung iniiwasan ba daw natin sjla." "What did you said? umamin ka?" Napairap naman ako sa tanong ni Dia. "Of course not! Di ako tanga- ah oo nga pala tanga ako" natahimik kami. Tanga ako dahil naniwala ako sa false action nya. Ganun ako katanga. Anong magagawa ko? Mahal ko lang naman sya eh. "Alam nyo bang sabi ni Manager G sakin na magkakaroon daw sila ng movie at ang kalove team nila ay ang grupo ng CAT?" Biglang sabi ji Risa napatingin naman kami "May kissing scene daw" dagdag pa nya. Napahinto naman kami saka napayukom naman ang kamay ko. Ngumiti ako sa kanila. "Enjoy the vacation?" Sabi ko sa kanila at ngumiti din sila. Yung totoong ngiti. May dalawang linggo kami para magbakasyon bago magganap ang ikalawang round ng elimination and this time sinabi namin sa sarili naming kakayanin namin ang lahat. Aalis kami para magbakasyon at para na rin marelax ang utak namin baka kasi wala na naman kaming masulat na kanta mahigit dalawang araw na rin kasi ang nakalipas ng mapansin namin na wala kaming nabubuong kanta. Pupunta kami sa palawan ngayon doon daw kasi ang probinsya ng personal yaya ni Dia. Nandoon na din ang yaya nya nagretire na kasi di na kaya ang gumawa ng trabaho pero pinapadalhan pa rin ni Dia ang pera. Sana malabanan na namin tong sakit na nararamdaman namin. ~~~~~~~~~~ Paolo's POV "Nasan na po sila?" tanong ko kay tita Ana. "Hindi ko alam kung saan sila pupunta pero sabi nila magbabakasyon lang daw sila at magpapahinga. Satingin ko ngakailangan talaga ni Risa yun" malungkot na sabi ni tita. Nandito kami sa sala nila tita Ana at nagtatanong kung nandito ba sila Risa kaya lang wala huli na kami ng dating. "Bakit po?" Tanong naman ni Axel. "Hindi ko alam kung may problema ba sila sa inyo o kayo ang may problema sa kanila pero sa nakikita ko sa mata nila hindi sila okay. Nasasaktan sila. Bilang isang ina kaya ko iyong makita. At nakikita kong nahihirapan sila nakita ko rin kung paano umiyak si Risa pag uwi nya. Ni hindi nya nga gustong lumabas ng kwarto" Napatigil naman kami at saka nagkatinginan. Nagpaalam kami kay tita Ana at saka kami pumunta sa bahay dahil wala sila mommy. "Fuckshit! Nagsinungaling sakin si Rish" inis na sabi ko at napasabunot naman ako sa sarili ko. "Ang mga sagot nya sakin sinasabing hindi nya panapapanood" dagdag ko pa. Kalmado naman silang napaupo. Saaming pito ako, si Oliver, Terrence, Troy at Axel lang ang apektado dahil sa kami lang ang may ugnayan sa lima. "Problema mo?" Napatingin naman kami kay ate Jasmine na galing sa kitchen. "Ginagawa mo dito?" Tanong ni Oliver at inirapan naman sya ni ate Jasmine. "Ako Oliver tigil tigilan mo ako ah. Nandito ako para magbantay dito dahil wala nga si Ash dito" sagot nya naman. Baka alam nya. "Ate" "Kalabaw! Please lang Pao di ako binge wag kang sisigaw" "Ate alma mo ba kung saan pumunta sila Ash?" "Bat ba nagpapanic kayo? Walang mangyayaring masama sa kanila ano ba! Isa pa hindi ko alam kung saan eh basta ang sabi nila magbabakasyon sila. Gusto ko nga sana sumama kaya lang busy pa ako. Kinausap sila ni G kaya lang wala di din dun sinabi" tapos kumain sya ng cookies. "Bakit tungkol ba to sa videos?" Napatingin kami sa kanila at marahan na tumango narinig naman namin ang pagbuntong hininga nya. "Alam nyo boys hindi dapat kayo nagsasalita ng ganoon- op op wag ka muna makikisali Oliver patapusin mo ako. So ayun nga sa mundo na ginagalawan natin oo kailangan natin maging maingat pero sa sobrang pag iingat nakakasakit na tayo. Hindi ko sinasabing isiwalat nyo ang tungkol sa kanila pero sana kinausap nyo muna sila. "Sa totoo lang sila ang napasama sa mata ng tao hindi nyo ba napansin? They are trying to avoid you guys. Hindi sila nagpapakita sa inyo di ba? Dahil binusy nila ang sarili nila sa pagiging Student Council. Paano ko nalaman? Sabihin na lang nating si Ash ang pangalawa kong kapatid. They hurt thats why they run away. Give thrm time they want to think. Dont be an Askhole" Sabi nya at umalis na. "Askhole?" Takang tanong ni Troy. "Well its part of my vocabulary no. Askhole. Its a person who constantly asks for your advice, yet always does the opposite of what you told them" "Pero ate Jasmine hindi kami nanghingi ng advice sayo" sabat naman ni Axel at sinamaan sya ng tingin ni ate "Sabi ko naman sayo Axel manahimik ka" sabi nya sa sarili nya at napailing naman ako. "Dagdag ko lang kung ayaw nyong maunahan umamin na kayo. Ang exodus may balak ligawan ang melody day" Napanganga kami. What?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD