Marian's POV
Minsan lang naman maghanap ng away tong si Dia sa totoo nga sya lang ang di talaga palaaway samin pero ngayon? Natutuwa ako sa inaasal nya di naman sa gusto ko syang makipag away kaya lang kasi makikipag away yan pag dinidiktahan sya.
"Teka anong gagawin nyo?" takang tanong sa amin ni Risa at nagkibit balikat naman ako.
"Watch and learn" sabi ko at kumindat.
Hindi namin pinansin ang lima pang lalaking nakasunod samin at nakakaasar lang pinagtitinginan kami ng mga tao dito dahil lang sa dalawang to at isama mo pa na ang sama ng tingin nila sa amin akala naman nila type namin tong mga tukmol na to di bale nang si Terrence makatuluyan ko wag lang to. Oo na oo na ako na may gusto kay Terrence eh sa gwapo sya eh tapos maabs pa oh di ba? Pero mabait talaga yun.
Pagpasok namin sa office namin nandun na agad sila Yrally. Hinagis naman ni Dia ang bag nya.
"Who told you na pwede kayong makialam? None right?" inis na sabi ni Dia.
"Maghinay—"
"Shut up Ms. Vice president" sabi naman ni Irish "Maghinay hinay? Di ba tapos na ang term nyo as Student council? Are you guys scared na hindi namin magawa ang dapat naming gawin?"
"Yes" agad na sagot ni Mike.
"Wow" sabat naman ni Ash. "Takot nga ba talaga o ayaw nyo lang talaga umalis bilang Student Council body? Hahaha pathetic"
Lumapit sa amin ang isang babae, hindi ko na kasi inalam pa ang pangalan nila kaya eto ako ngayon nagdudusa. Si Yrally at si Mike lang ang naalala ko dahil silang dalawa lang naman ang may captivating na aura unlike the others. Sasampalin na sana nya si Ash kaya lang mabilis pa ang kamay ko.
"Ops I mean it" nakangiti kong tanong at nagulat naman sila "We're not like the others. So do not mess with us. Maybe you know our name but not our status in this country so you shouldn't try to harm us" dagdag ko pa.
"Akala mo naman kung sino kayong magaganda"
"Oo magaganda kami kung ikukumpara sayo retokada! According to my source eh hindi naman talaga nagkulang ang budget ng school" sabi pa ni Irish "Sa pag kakaalam ko ginamit mo yun sa mukha mo."
"Walang hiya ka!"
At ayun dun na nagsimula sinabunutan ni Yrally si Irish at ganun din naman ang ginawa ni Irish may tatlo pang babaeng nakisali sasabunutan din dapat si Irish kaya lang inunahan na namin sila. Nakita kong pumasok si tita Yannie sa room namin pero wala kaming paki.
"Bawiin mo ang sinabi mo" pilit na hinihiwalay kami sa isa't isa pero dahil sa makapit ang pagkakahawak namin di nila kami magawang ihiwalay.
"Bakit ko naman babawiin b***h eh totoo naman di ba?" inis na sabi ni Irish.
"Ouch bitiwan mo ko" sabi naman ng kaaway ko.
"Sorry not sorry pero bakit ko gagawin yun?" advantage na maikli lang ang buhok ko at isama mo pa na mahaba ang kuko ko sorry na lang sya "Sorry ka na lang dahil marunong ako mag martial arts."
Nakita ko ang takot sa mata nya pero agad naman syang naging b***h ulit. Mas lalo nya pang hinigpitan ang hawak ko at dahil sa wala na akong paki sa paligid ko at alam kong napapabagsak na rin nila Dia ang mga kaaway nila eh tinalisod ko na ang babaeng kaaway ko kaya naman napahiga sya agad naman akong pumatong sa kanya at sinampal at sinabunutan sya.
At dahil sa hindi na kami nakahawak sa buhok nila eh naalis kami ng mga lalaki dito sa pagkakasambunutan.
"ANG KAPAL NAMAN NG MUKHA MONG SABUNUTAN AT SUNTUKIN ANG MUKHA KO"
"BAKIT YRALLY NATATAKOT KA BA NA BAKA MAAPEKTUHAN YANG RETOKADA MONG MUKHA? HA?"
"b***h WALA KAYONG ALAM DITO LALONG LALO KA NA IRISH!"
"TANGINA KAMI WALANG ALAM? HINDI NYO BA NAPANSIN NA NAALIBADBARAN NA KAMI SA INYO SIMULA NOONG PINAKILALA KAMI AS NEW STUDENT COUNCIL? YUNG INIWAN NYONG PROBLEMA SA AMIN? AKALA NYO DI NAMIN MALALAMAN?" –Ash.
"Shut up girls" mahinang sabi ni tita Yannie.
"NO TITA YANNIE WHY WOULD WE? GUSTO LANG NAMAN PO NAMIN NA MALAMAN MO KUNG BAKIT ANG LIIT LIIT NA NG BUDGETS NG BAWAT CLUB" inis na sbai ko
"Guys kalma lang kayo"
"NO RISA WE CANT CALM DOWN! TITA YANNIE DID YOU KNOW THAT THE BUDGETS OF THE CLUB? SHE USED IT THROUGH HER FACE! AKALA NAMAN KASI NYA GAGANDA SYA"
"WALA KANG PROWEBA DIANA"
"WAG MO KONG TAWAGING DIANA DI TAYO CLOSE!"
"Totoo ba yun Yrally?"
"No tita Yannie hindi po yun totoo"
"WAG KANG MAG ANGHEL ANGHELAN JAN YRALLY" sigaw ko.
"BWISIT KA TALAGA" at sumugod na naman sila.
Punyeta masakit na ang anit ko sa kakahawak ng dalawang to nagkatinginan kami nila Dia at saka kami ngumiti ng nakakaloko. Pinatid namin sabay sabay silang apat at pare parehas naman silang napadapa kasabay nun ang pagpatong namin sa likod nila at pagpilipit ng braso nila.
"ARAY KO b***h MASAKIT"
"BAKIT YRALLY BAKIT MO GUSTONG GAWIN YUN?"
"ANONG PINAGSASABI MO b***h DIANA?"
"TIGILAN MO AKO SABI SA KAKASABI NG DIANA!"
Bago pa man namin magawa ang gagawin namin ay bigla na lang kaming umangat at nailayo. This scent alam ko kung kanino to.
"Terrence?" di makapaniwalang sabi ko.
At kahit sila Yrraly di makapaniwala na nandito ang sevent wings. Bakit nandito sila?
"Anong nangyayari dito?" tanong ni Oliver.
"Obvious ba? Nakita mo naman di ba?" inis na sabi ni Dia habang inaayos nya ang damit nya at medyo nakita din ang panloob nyang short.
Marahas kong binawi ang sarili ko kay Terrence at inayos ang sarili ko, pinagpagan ko ang damit ko at saka ko sinuklay ang buhok ko pero nakita ko ang kamay ko na ang daming buhok.
"b***h kadiri ka naglalagas buhok mo ew!" pang aasar ko pa.
"Eh sa tindi ba naman---"
"Shut up Terrence hindi ka kasali dito" sabi ko at saka sya sinamaan ng tingin.
"Umamin ka" malumanay na sabi ni Ashley. "SINABI NANG UMAMIN KA EH" sigaw nya na ikinagulat ng lahat maliban samin nila Dia at Irish. "KUNG HINDI KA AAMIN SISIGURADUHIN KONG MAGSISISI KA"
"BAKIT BA ANG LAKI NG GALIT NYO SAKIN HA? SAMIN?"
"DAHIL SA KAGAGUHAN NYO YRALLY TANGINA HINDI AKO PALAMURA PERO NAPAPAMURA AKO PAG NAKIKITA KO PAGMUMUKHA NYO! SINO BANG NAGSABI NA PASUNDAN KAMI? PARA ANO PARA HINDI MALAMAN NG IBA NA MAGSASABI KAMI TUNGKOL SA SIKRETO NYO NA AKSIDENTE NAMING NALAMAN AT NARINIG? SIGE YRALLY IDENY MO PA MASAMA AKO MA----"
Hindi na nya naituloy pa ang sasabihin nya ng takpan ni Pao ang bibig nya at yakapin sya saka binulungan nakita ko naman na napaiyak na si Ashley. This is it.
"Tita Yannie" sabi ko at naglakad papunta sa bag ni Dia at kinuha ang isang envelop "Noong isang araw pa namin iniiwasan mapag usapan ito kahit sa harap ni Risa hindi namin to pinag uusapan dahil alam naming hindi sya lalaban pero ito ang ebedensya na ginamit nila Yrally at ng mga varsity na yan ang pondo ng bawat club dito para sa kanilang pansariling hangarin. Yung sinasabi nilang dahilan? Nah maniwala kayo sa hindi pera nila sa bangko ginamit nila" sabi ko at sinamaan naman nila ako ng tingin.
~*~*~*~*~*~*~*~*~
Terrence's POV
Halos lahat kami nanibago sa kilos ng girls. Nandito kami ngayon sa rooftop ng school nila Marian at wala man lang naimik sa amin kahit isa.
"Sa susunod naman wag na kayong magwawala alam n—"
"shut up Pao! Alam naman namin na di kami dapat nakipag away pero alam nyo rin naman na ayaw naming dinidiktahan kami at mas lalong ayaw namin na may ginagawa ang isang tao na hindi namin alam" agad na pagpuputol ni Ash.
"Ano bang ginawa nila sa inyo?" tanong ko naman.
"Pagbaba ko ng kotse may sumulpot na lang bigla sa harap ko at nagpakilala tapos nanlandi na" agad na sabi ni Irish at nakita ko naman na nag iba ang mukha ni Troy.
"Same here we don't like them at grabe sila kung makapaglandi" dagdag pa ni Marian.
"Pati ikaw?"
"Bakit Axel anong akala mo sakin ha?"
"Wa-wala po"
Natahimik na naman kaming lahat hindi naman kasi namin akalain na magiging ganun ang reaksyon nila. Nakakatakot talaga sila pero ang ganda pa rin nila magalit lalong lalo na to si Marian, kahit na galit na parang dyosa pa rin. Mga ilang minuto din na nabalot kami ng katahimikan ng magsalita ang isang kasamahan nila Marian.
"Ahm guys you didn't tell me na kilala nyo sila" sabi nya at napabuntong hininga naman kami. Ayaw naming magsalita baka magera kami.
"We're very sorry Risa kung hindi namin sinabi sayo." Sabi naman ni Marian pero halata sa mata at boses nya na sincere ang pagsosorry nya.
"Hindi naman namin gustong itago to sayo pero kailangan kasi ayaw naming mapagkaguluhan, ayaw naming maging magulo ang buhay high school namin" sabi pa ni Irish.
"Sorry rin kanina ah? Wala naman kasi akong nagawa napakaduwag ko"
"Hindi ka naman duwag Risa eh tama lang ang ginawa mo dahil baka mamaya mapano ka pa hindi ka pa naman namin laging kasama" sabi naman sa kanya ni Ashley.
"Pero Sino sila sa buhay nyo? Sino ang SW sa inyo?" tanong nya pa at tiningnan kami nila Dia.
"Childhood friend" bago pa man masalita si Risa pinigilan nan i Dia " Yes you're right. Kung ano man yang iniisip mo tama ka" ang gulo talaga ng mga babae pano nila nalaman yun eh hindi pa nga nagsasalita.
"Kakambal ko si Paolo" nakangiting sabi naman ni Ashley.
"Isusumbong kita kay Mommy"
"Try mo. Pag nagsumbong ka tingnan natin kung makikilala mo pa ako" nakataas na kilay ni Ashley at napalunok naman si Pao.
Natahimik na naman kami. Bakas pa rin naman sa mata ni Risa na nagulat sya sa mga nalaman nya. Syempre sino ba naman ang hindi magugulat kung ang isang gwapo na nilalang gaya namin ay nasa harap mo at kaibigan pa ng mga kaibigan mo. Ay teka parang nasaktan ata ako dun sa part na kaibigan. Napatingin ako kay Marian. Hanggang kaibigan na nga lang ba?
"Tinitingin tingin mo jan?" sabi nya "Nagagandahan ka na sakin?" biro nya pa at napailing na lang ako.
"Ang taas din ng kumpyansa mo sa sarili mo eh no Marian?"
"Bakit totoo naman ah maganda ako. Di ba girls?" nag kibitbalikat naman sila "Wow thank you sa support nyo" sabi nya at umirap natawa naman kami "Anyway I'm sorry sa pagiging hard headed" sabi nya at saka yumuko.
"Yeah we're sorry" dagdag pa ni Dia.
"Alam naman namin na ginawa nyo lang yun dahil gusto nyo rin naman na maranasan namin ang mag enjoy sa stage kasama ang talent namin pero hindi talaga eh ayaw naming maupo sa likod ng anino nila daddy" dagdag naman ni Irish.
"Sana maintindihan nyo" –Ash.
"Wait wait wait! Itigil nyo yang kadramahan nyo" napatingin naman kami kay Risa. "Makinig kayo sakin sa ayaw at sa gusto nyo kayo ang sasali sa MSC" dagdag nya pa. Literal na napalaglag panga sila Irish sa sinabi ni Risa pero bago pa man magreklamo sila Dia ay agad naman syang umalis. "Magpaparegister lang ako" dagdag nya pa at kumaway.
Napangiti naman kami sa sinabi ni Risa. Hulog sya ng langit. Napatingin naman ako kay Axel, wow ibang klase ang tingin nya kay Risa ah nakakalagkit hahaha.
"Pano bay an? Sa ayaw o sa gusto nyo daw sasali kayo." Sabi ni Jaxon.
Napaupo naman sila sa sahig at tumingin samin.
"Ayaw namin" sabi nila at saka nagpacute samin.
"Sorry pero hindi tumalab" sabi nama ni Zander at agad naman silang tumayo.
"Mauna na kami dahil baka may makakita pa samin na kasama namin kayo. Ayaw naming mauwi na naman sa intriga kasama kayo" sabi naman ni Troy at nag nod sila.
~*~*~*~*~*~*~*~
Risa's POV
Pagbaba ko sa kotse ay agad naman nagsitinginan ang mga student sakin at agad akong kinuyog anong problema ng mga to?
"Totoo ba yun?" sabi ng isang babae
"Ang ano?" tanong ko pa.
"Na pumunta ang Seventh wings dito?" tanong pa ng isa.
Hala anong gagawin ko? Mukhang hindi naman pwedeng sabihin ang tungkol dun at isa pa ayoko namang sakin manggaling yun.
"Oo pumunta sila dito" napalingon kaming lahat sa likod at nandun sila Dia.
"Pumunta sila para pag usapan ang mga gagawin sa MSC" –Marian.
Samo't saring hiyawan at tilian ang lumabas sa kanila. May ilang kinilig pero may ilan din naman na nanghinayang siguro mga avid fan ang mga to.
"Risa" sabi ni Dian a may halong pananakot sa boses nya.
"Sorry guys pero nalagay ko na ang pangalan nyo at nasa akin na ang schedule nyo kailangan nyo na lang gawin ay sundin ako di ko kayo didiktahan ako lang ang magsisilbing manager nyo" nakangiti kong sabi at napasimangot naman sila. Ang cute nila.