CHAPTER NINE- ORIENTATION

1937 Words
Irish's POV Halos magkasabay lang ang grupo namin at grupo ng boys na pumunta sa bahay nila Ashley at isa lang ang napansin ng maid yun ay ang hindi namin pagpansin sa kanila. Sila Zander alam kong wala silang kinalaman sa kanila pero dahil magkakaibigan sila damay damay na. syepre dapat wala silang iwanan hindi naman kami bias eh. Nung Makita naming pababa na si Ash agad naman kaming nagsitayuan at paglapit nya isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan namin, nagkatinginan kami. Dito magsisimula ang araw kung saan mahihirapan na kami. "May problema ba?" nag aalalang tanong ni Pao pero di namin sya pinansin "Wow nice talking ganda pala kausap ng hangin no?" tapos tumingin sya sa boy. Wala na kaming inaksaya pang oras at agad naman kaming pumunta sa pinto para makalabas, natural saan pa ba kami lalabas? Alangan naman sa bintana para namang kasya kami dun no? ang tataas pa ng bintana dito kila Ashley saka isa pa hindi kami kasya dun. May grills eh hahaha. "Ang aga nyo naman ata?" tanong ni tita Aia sa amin. "Ganun talaga pag masipag tita hahaha" sabi ko at natawa naman si tita. "Naku nagmana ata kayo sa tatay nyo sa kayabangan hahahaha" natawa naman kami "Pero seryoso bakit ang aga nyo? Five pa lang ng umaga oh" "Kasi naman mommy kailangan naming tumulong para magprepare sa school para namang hindi nyo pa po alam na kami ang magiging student council no?" nailing na reklamo naman ni Ash. "Kayo rin?" biglang singit ni Jaxon. "Binge? Hindi mob a narinig?" sabi ko naman saka umirap "Anyway tita we have to go" "Oh sure take care" "Bye tita" sabi naman ni Marian na kanina pa walang imik. Pagdating namin sa kotse nakita namin ang expression ng boys at dahil tinted ang loob ng kotse namin eh hindi din naman nila nakita reaksyon namin, hindi naman sa ayaw namin silang pansinin pero sana kasi malaman din nila ang mali nila. Gusto lang naman namin ang magsorry sila. Agad na umalis ang kotse namin ng makapasok na kaming apat, nakagawian na namin to noong nasa dati pa lang kaming school na sabay sabay kaming pumasok. Sikat naman kami noon eh, sikat sa pagiging mapang api ng mga brat at bitches. Hindi naman kami makikipag away ng wala lang saka alam naman ng mga classmates namin ang ugali namin yun nga ang gusto nila eh. "Buti naman at nandito na kayo" sabi ni Risa samin at nag nod naman kami. "Hindi maganda ang gising?" tanong nya pa at umiling kami. "Paano ba gaganda ang gising mo kung makakakita ka ng mga taong kinakainisin mo di ba? Oh sya tara na nga sa loob at ng makapag umpisa na tayo" sabi naman ni Marian at napailing kami. "Oo nga pala nanjan na ba si tita Yannie?" tanong ko naman at umiling si Risa. "Yung anak nya na model pumunta dito para sabihing hindi makakatulong si tita Yannie dahil sa biglaang meeting sa company nila. Mamayang seven pa daw siya makakapunta dito" paliwanag naman sa amin ni RIsa. "May anak si tita Yannie na model?" tanong naman ni Ash at nag nod naman si Risa "Yay baka kilala nya sila ano" tapos tumingin sya samin. "Maybe yes and maybe no, it depends upon that person" sagot naman ni Dia. "Kaaga aga nag i-english ka please lang wag mo naman paduguin ang ilong ko" natatawang sabi naman ni Ash at napahagikhik naman kami. "Sus ayan ka na naman Ashley" pagsuway naman ni Marian. Habang naglalakad kami eh di ko maitago ang pagkamangha sa loob ng Academy, even if it's still dark outside the building inside of our school is shining. I don't know if its because of the moon that ready to set or just because of the materials that use. Hindi ko na naexplore ang mga tanawin dahil hinila na nila ako papunta sa auditorium. Pagdating namin dun nandun na sila Yrally handa pa rin naman sila tumulong samin eh. Walang ingay naming ginawa ang mga dapat namin gawin at pagkatapos ay nag break kami magseseven na at parami na nang parami ang tao dito sa auditorium nakapaskil na kasi sa entrance ang salitang GO DIRECT TO AUDITORIUM FOR ORIENTATION. Nandito kami sa pinakaharap at sa likod na namin ay mga student nasa kanan kami samantalang nasa kaliwa naman ang mga magulang, hindi pupunta sila mommy dito dahil BAWAL haha di naman talaga kaya lang ayaw namin. Noong halos lahat na ng student nandito sa school pati na rin ang mga teacher ay nakita ko namang pumasok si tita Yannie at dumeretso sa stage. "Good morning teachers, students and parents. We are here to orient each of the rules and regulation of this school although there is a lot who already knew it but there is a little change" tapos nagbulungan ang mga tao "As you can see hindi tayo nakikisali sa mga paliksahan when it comes to music dahil sa Celebrity Star Academy ay isa sa ating kaibigang school. Kanina lang kinausap ako ng principal nila at sinabi sakin na may mga student dito na kinakikitaan nya ng mga potential at dahil dun sa sinabi nya hindi ko naman mapigilang mapaisip and I guess she's right." At agad naman nagbulungan ulit "Hindi ko naman pinipilit ang mga student na sumali pero hanggat maari kailangan. May darating na Music Competition sa bawat school and each school should have their representative and right now yan ang problema natin." May tumaas ng kamay "Yes?" "Malaking problema pag wala tayong representative?" tanong ng isa magulang. "Yes it's a big problem. According to CSA principal if ever na wala tayong representative at hindi tayo makasali ay mahihirapan tayong ipadala sa ibang bansa ang mga students natin para sa exchange students" napasinghap naman kami. "Although meron na kaming napili para maging exchange student hindi pa rin sapat yun" tapos may tiningnan sya sa bandang dulo at nakita naman namin na may nakataas na kamay. "Di ba may criteria ang pagpili ng exchange student?" "Yes meron nga at hindi na ito gaya noon" tapos tumingin si tita Yannie sa lahat "The other school, hindi sila tumatanggap ng mga student sa atin na sobrang matataas ang IQ. Our school are known as one of the most prestigious school and having too many students who have an IQ around 200 above." At nag nod naman ang karamihan, totoo naman kasi talaga. "But the high up doesn't want us to focus on academics so gumawa sila ng paraan para makasali tayo sa Music School Competition at isa sa makakalaban natin ang CSA's top student the Seventh wings" Halos mapanganga ako sa sinabi ni tita Yannie. Seventh wings? Yan ang pangalan ng grupo nila at kahit kelan walang sinuman ang kumalaban sa grupo nila. Nakikita ko ang gulat sa mga mukha ng mga taong nandito sa auditorium, alam din naman kasi nila na walang may gustong makalaban ang Seventh wings bukod kasi sa pag kakaalam nila sa mga magulang nila eh alam din ng lahat ang kayang gawin ng Seventh wings pagdating sa stage. "Papaano tayo mananalo kung sila makakalaban?" sigaw naman ng isa sa mga magulang. "Oo nga po Principal hindi tayo pwedeng basta bastang kumuha ng irerepresent sa school natin" sang ayon naman ng isang estudyante. "Silence" at natahimik naman sila, kahit babae yang si tita kaya nya pa rin magpalabas ng pagkabossy "Alam naman nating lahat yan kaya nga nandito ang bago nating student council para tulungan tayo na makahanap ng magiging representative" tapos tumingin samin si tita "Ms. Diana Camille Won the new Student Council President" agad naman tumayo si Dia ng walang alinlangan. Napag usapan na kasi din namin kung anong posisyon kami at wala naman syang palag samin alam naming sa aming lima si Dia ang may pinaka may kakayahan sa amin. "Ms. Irish Joshpine Lee for new Student Council Vice President" at gaya ni Dia wala rin akong nagawa dito. Tumayo ako at pumunta sa stage para samahan si Dia, nakakahiya. Nakikita ko rin ang mga pagtataka sa mga itsura nilang lahat. "For the new Student Council Student Secretary Ms. Ashley Seok" alam naman naming tamad na tamad yang si Ash pagdating sa sulatan kaya naman sya ang pinili namin para pahirapan. Tumayo na rin sya at umakyat dito. "Ms. Marian Suarez for Student Council P.R.O and treasurer" kahit na labag sa loob ni Marian ang magkaroon ng dalawang trabaho wala rin naman syang nagawa, umakyat din sya sa stage gaya namin. "Last the new Student Council Auditor Ms. Risa Jung" Noong kumpleto na kaming lahat dito sa stage ay agad naman kaming ngumiti sa kanila, mukhang satisfied naman silang lahat saming apat kaya nama nwala na silang nagawa pa. "And now I will announce who will be the Exchange student for this year" at ang kaninang maingay ngayon natahimik, maraming magulang ang nananalangin na isa ang anak nila sa matatawag. Tsk. Di kaya mapressure ang anak nila? " Please come to stage Ms. Carla Jovanie, Beatrixso Luna, Anna Velasco and Esta Marisb as Hokusen Academy's exchange student" Halata ang pagkagulat sa lahat at isang ngiti naman ang binigay naming lima sa kanila na nakikitaan ng inis sa mukha, halos gusto nilang magreklamo pero dahil sa nanjan ang magulang nila hindi nila magawa. Nagkamali kasi kayo ng binangga. "I hope this girls will lead us to success, thank you for coming" sabi ni tita Yannie at isang masigabong palakpakan naman ang binigay sa kanya. Jaxon's POV "SO yan pala ang balak mo Staycee?" tanong ko sa kanya at umiling sya. "Nope hindi ako nagbalak nito. Saka isa pa project din naman to ng entertainment agency nyo kaya wag na kayong magreklamo jan. wala ang manager nyo dito at hindi ko kayo kaya kung itatanong nyo kung bakit wala si ate G dito sabihin na lang nating inaayos nya schedule nyo." Sagot naman sakin ni Staycee habang inaayos ang mga gamit nya. "Uuwi ka na?" tanong naman ni Terrence "Bakit mamimiss mo ko?" "Hahaha asa ka naman wag ka ngang assuming" "Hindi ako nag aassume Terrence nagtatanong ako ikaw jan ang assuming eh hahaha" Natawa na lang kami, pag talaga nababara namin ang babaeng to bigla na lang nakakaisip ng pambabara sa amin manang mana sa mga tita at tito nya eh. "Bakit ka ba kasi nagmamadali?" tanong naman ni Pao. "Death anniversary kasi ngayon ni tito kaya naman kailangan kong umuwi ng maaga dahil yun ang sabi nila tita Charlene" at napanod naman kami. "Wag kayong manggugulo dito sa office ko ah hintayin nyo na lang dito si Ate G bago kayo umalis, saka pakilock na rin" at nag nod naman kami. Pag alis nya ay agad naman kaming natahimik at nagtinginan saka napabuntong hininga, this is not what we, Zander and Axel. Akala namin kaya kami pinauwi dahil sa kailangan na but I'm wrong. Dahil pala dito. Sabi sa amin ni Staycee we should get ready to make new song for Music School Competition. Sabi nya lahat ng school makakalaban namin kaya naman napabuntong hininga na lang kami. Wala naman kaming magagawa. "Sa tingin nyo sasali sila Dia?" tanong ni Oliver at nagkatinginan naman kami. "Sa pagkakakilala ko sa kanila hindi" sagot naman ni Axel. "Pero pwede din naman magbago isip nila di ba?" tanong naman ni Paolo. "Depende, bat di mo kausapin kakambal mo para malaman natin?" "Baliw k aba Zander di nga tayo pinansin kanina eh" At bumuntong hininga na naman kami. Napatigil kami ng marinig namin ang pagbell tanda na magsisimula na ang klase, agad kaming tumayo at nagsipuntahan na sa classroom namin. Hindi naman kami magkakahiwalay kaya hindi na kami nahirapan pa. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD