CHAPTER FOUR- INTRUDER

3213 Words
Irish POV "BAKIT NGA KASI KAYO PUMUNTA DUN?" "Gusto lang namin kayo makita Dia" "MAKITA? JUSME NAMAN OLIVER ALAM NYO NAMAN KUNG ANO KAYO DITO SA MUNDO NATIN! AT ALAM NYO RIN NAMAN NA AYAW NAMING MADAMAY SA MAGULONG MUNDONG YAN!" inis na sigaw naman ni Ashley. "Bakit ba kasi ayaw nyo kambal? Kung tutuusin nga mas magaling kayo samin kumanta at sumayaw" halos naiirita na ring sabi ni Pao. "AYAW KASI NAMIN! HINDI KAMI BAGAY SA GANYAN! AT ISA PA NANGAKO KAMI NA DI NAMIN PAPAIYAKIN SILA MOMMY DAHIL LANG SA NASASAKTAN KAMI SA MGA PAG AALIPUSTA NG MGA TAONG AAYAW AT MAGIGING BASHERS NAMIN" inis ko namang sigaw. Kanina pa kami nagtatalo simula ng makauwi kami ng bahay nila Dia, nandito kami sa sala pero ito kami nagsisigawan kahit na malalapit kami. "Alam nyo hindi namin kayo maintindihan! Hindi nyo pa nga nasusubukan umaayaw na kaagad kayo!" "Troy pwede ba ha?! Tigil na! Ayaw namin kasi ayaw namin! Alam na rin naman kasi namin ang mangyayari kaya ayaw namin" kalmado pero naiinis na sabi naman ni Marian. "No Marian malaki lang kayong duwag kaya ayaw nyo. Bakit sila tita nagpaapekto ba sa mga haters nila? Hindi naman di ba?" halos magwala ang atay at balun balunan ko dahil sa sinabi ni Troy. "Wow! Just wow!" sarkastiko kong sabi at napatingin sila sakin. "Kami duwag? Putek lang Troy tagos yun ah! Bakit ba kami nakikipagtalo sa inyo di ba? Hindi nyo rin naman maiintindihan ang rason namin dahil mas lalo nyong ipipilit yang gusto nyo! Wala kaming paki sige kami na duwag kung yan ang tingin nyo palibhasa kasi wala kayong alam at ang gusto nyo lang manyari ay ang gusto nyong mangyari" natinginan kami ng masasama sa isa't isa at nawala naman ng may nakisali. "Kakauwi ko lang tapos ganito agad ang madadatnan ko" tumingin ako kung sino at oh my gash! Halatang tumingin sakin sila I mean yung girls sila lang naman ang nakakaalam na crush ko ang kuya ni Dia eh. Oo three years ang agwat nya samin at sikat sya pero natural lang naman samin na umidulo eh. Pero pinaka hinahangaan ko si ate Jasmine yung kapatid ni Oliver. Bukod sa maganda mabait pa yun nga lang mataray sa mga nagtataray at nagmamaldita sa kanya nakuha nya daw ang ugali ni tita Allieyah. Yun nga lang nagseselos din naman ako sa kanya kasi alam kong MU sila ni kuya Joshua. "Kuya!" biglang bulalas ni Dia "Kelan ka pa nakauwi?" takang tanong nya. "Ngayon ngayon lang Dia at napababa ako ng di oras dahil sa sigawan na narinig ko ano na naman bang problema nyo?" nakataas na naman ang kilay ni Kuya Joshua, ang gwapo nya talaga. "Matunaw" bulong sakin ni Marian at sinamaan ko naman sya ng tingin at umiling lang sya sakin. "Pano ba naman kasi kuya Joshua sinasayang nila ang talent nila! Alam naman nating lahat na MAS silang apat kesa sa atin nila ate Jasmine pero ayan sila ayaw maging gaya natin" inis na sumbong ni Oliver. "WOw ah talagang nagsumbong pa noh?" inis naman na sabi ni Dia. "Nag hahanap talaga ng kakampi eh noh?" dagdag pa nyang sabi. "Hindi nyo kasi kami maintindihan" sabi ko at napatingin naman silang lahat sakin. Ayoko naman talaga magsalita pa dahil nandito si kuya Joshua na crush ko kaya lang kailangan eh "Hindi nyo naiintindihan kasi ayaw nyong intindihin ang pinapaintindi namin sa inyo. Mabuti pa wag na lang muna tayo magkita at mag usap para naman wala nang ganitong nangyayar" sabi ko at nabigla naman ang mga boys at nag agree naman sila Marian. "Alis na kami Dia" sabi ko at nag nod naman sya. Sabay kaming umalis nila Ash at Mar kaya naman naiwan sila Dia, Kuya Joshua at ang tatlong lalaki na akala mo kung sino makapagsalita. Hindi pa naman talaga kami umuwi agad eh, nandito pa kaming tatlo sa park sa village-subdivision namin. "Nakakainis bat ba di nila maintindihan yun" naiiyak na sabi ni Ash "Of all people na akala ko na makakaintindi sakin si Pao pa ang pinaka di nakakaintindi" naiyak na sya. "Akala ko ba naiintindihan na nila?" dagdag pa ni Mar. Natahimik kami ng ilang minuto habang tumutulo ang luha namin, ayaw naman namin na makipag away sa kanila kasi sila lang ang lalaking kaibigan namin at pinagkakatiwalaan pero kung paniwalaan kami at intindihin di nila magawa paano pa nila kami pagkakatiwalaan? After naming magdrama ay umuwi na kami sa kanya kanya naming bahay. Hindi naman magkakadikit ang bahay namin may mga street din naman na nagbibigay hiwalay sa amin. Nasa First street sila Dia pang fourth street naman kami at pang sixth street si Ashley sa likod naman nun ay ang tenth street kung saan nandun ang bahay ni Marian. Pagdating ko sa bahay agad kong nakita si Kuya Ruzzel kaya naman lumapit ako sa kanya at kiniss sya sa pisngi nya at nagulat naman sya pero napangiti din agad at binigyan ako ng cookies and milk. "How's your first day of school?" tanong nya at ngumiti naman ako, pilit nga lang kaya naman nahalata nya. "It's okay but a little bit boring" sagot ko sa kanya. I answered him honestly. Bored naman kasi talaga. "Ow. Is there any problem?" tanong nya at halatang may pag aalala ang mukha nya "Are you getting bullied again with Dia and other's? If yes I'm not going to agree again to stay quiet" napailing naman ako. "It's not about school kuya" walang gana kong sabi at kinain ang cookies saka ko ininom ang milk. "It's about Troy and the others" napanod naman sya sa sinabi ko at kinain na rin ang cookies. "So what's the problem?" "You do understand me right?" tanong ko at kahit na nagtataka ang mukha nya ay nag nod pa rin sya "Well thats good, you see Kuya I am not sure if they still can understand me nor US. Girls I mean" at nag nod naman sya ulit. "They cant understand why we cant be like them, like you guys" sabi ko at nagulat naman si kuya, napayuko naman ako. "Again" bulong ni kuya pero dinig ko pa rin. "Hindi pa ba kayo nagsasawa mag away dahil jan?" Tama nga, matagal na nga naming pinag aawayan ang mga yan dahil lang sa ayaw naming maging gaya nila. "Kuya it's not our problem anymore! Matagal na kaming nagdesisyon na hindi namin sasaktan sila mommy! Na ayaw namin maging gaya nyo" nakayuko kong sabi. Para kasing magagalit si kuya pano ba naman pinagtaasan ko ng boses. "Alam mo Rish halatang di pa kayo nagmamature" tumingin ako sa kanya at nakangiti naman sya sakin "Parehas naman kayo ang may mali eh kaya bakit kayo nag aaway away? Kung pag uusapan nyo yan at di dadaanin sa init ng ulo magkakaintindihin naman kayo eh" tapos tumayo sya. "Matagal na nila kayong iniintindi Rish hindi nyo ba napapansin?" Umiling naman ako "This time sila naman ang intindihin nyo" ngumiti sya at saka nilagay ang pinagkainan namin sa lababo at umakyat na. Napabuntong hininga naman ako sa sinabi ni Kuya Ruzzel. May point naman sya eh lagi nila kaming iniintindi pero ni minsan hindi namin sila inintindi. Oo alam naming unfair pero ganun naman talaga ang buhay eh. Pumunta ako sa sala at saka nanood ng TV. Pero mas lalo ata akong nababadtrip sa nakikita ko pano ba naman kada lipat ko nyeta puro sila ang nakikita ko parang sarap batuhin ng TV. Ibabato ko na sana ang remote kaya lang napigilan ang kamay ko. "Manang mana ka talaga sa mommy mo" napatingin naman ako. "Daddy" saka ako humarap sa kanya at niyakap sya saka kiniss sa pisngi. "Alam mo ikaw bata ka hindi mapagkakailang anak ka ni Aia Seung Seok" napataas naman ang kilay ko "Ganyan din ang mommy mo pag naiinis or nababadtrip mahilig magtapon ng kung anong hawak" Natatawa nyang sabi saka umakyat sa taas. Napailing na lang ako. Minsan natatanong ko sa sarili ko kung tatay ko ba talaga yun. Masyado na atang baliw si daddy sa sobrang busy sa set nila. May bago kasi silang movie ni mommy at kahit na matandan na sila pinagkakaguluhan pa rin sila. I am proud to be their daughter pero walang nakakaalam sa fans nila na may anak pa silang babae. Ang akala ng lahat pamangkin nila ako. Masakit pero okay lang ayoko rin naman ang matago sa anino nila, maeexpect na sasabak din sa mundo nila ganun din naman ang rason nila Dia eh. Nag over react na ba kami kanina? Umakyat ako sa kwarto ko at saka nahiga at nag isip isip. Hindi ako mahilig kumain ng gabi dahil sa wala akong gana. Matutulog na sana ako kaya lang nag ring bigla ang phone ko at nung tingnan ko nakita ko ang pangalan ni Dia. "Hello?" "Ayan okay na" dinig kong boses ni Dia. "Nakokonsensya ako" sabi ni Ash na halatang hindi gusto ang nangyayari. "Nakokonsensya ka kasi lagi mong nakikita ang kambal mo Ash." sabi naman ni Mar at nag agree naman si Dia. "Pero sa opinyon ko nagiging unfair tayo" sabi ko at natahimik naman sila. "Sabi sakin ni kuya Ruzzel bakit daw lagi na lang sila ang naintindi sa atin at ni minsan hindi natin sila inintindi" "Anong hindi? Hoy Rish! Lagi natin silang iniintindi! Tuwing may bonding tayong pito at biglaan silang pinapatawag di ba di naman tayo nagreklamo sa kanila? Nung birthday mo Rish di ba di sila nakapunta dahil nasa ibang lugar sila? Nag reklamo ka ba? Nung naospital ako nadalaw ba nila ako? Hindi di ba pero nagreklamo ba ako? Si Ash lang naman ang rereklamo pero sorry lang ng kambal nya okay na. Si Dia noong first heart break nya nasan sila? Wala di ba?" Napairap tong si Marian. "Pero kahit na ganun dapat pa rin naman natin siguro silang paliwanagan di ba?" sabi ko naman at nag agree naman sila Dia. "Pero ilang beses na ba tayo nagpaliwanag sa kanila?" Tanong naman ni Ash pero walang ni isa sa amin ang nakasagot. Napabuntong hininga kami. Sabay sabay. "Siguro okay na muna na hayaan natin ang ganito para naman hindi na muna tayo makaabala sa kanila" Sabi ni Dia. "Siguro nga tama tong desisyon natin na hayaan na muna" dinig ko naman sabi ni Ash. "Look alam ko pare parehas tayong nahihirapan pero hanggat di nila alam ang reason natin patuloy sila sa kakaganyan" dinig ko namang sabi ni Mar sa kabilang linya. "Nakakabaliw. Oh sya sige na matutulog na ako bukas na lang tayo magkita ah" "Good night Mar." at nawala na sya sa confe namin. "Dia? Ash? Nanjan pa ba kayo?" "Yeah" walang ganang sabi ni Ash. "Pwede pa ba kayong lumabas?" tanong naman ni Dia at tumingin ako sa orasan. "Seven pa lang naman ng gabi kaya pwede pa" sagot ko naman. "Ganun din naman ako and besides wala dito sila mommy at daddy pati ang magaling kong Kuya" naiinis naman na sabi ni Ash "Naiwan ako kasama ang kambal ko" alam kong umirap to. "Lets go?" "saan tayo?" tanong naman ni Dia. "Dun na lang sa seven eleven para malapit lang" sagot ko. "Sige tutal sa labas lang naman ng villsub yun" sekondarya naman ni Ash at naend na ang confe namin. Pinakamalayo sa amin si Mar at alam naman naming tulog na yun ngayon lalo pa at masama ang mood nya kaya kailangan nya ng pahinga kaya naman hindi na namin sya tinangkang isama pa. Nagbihis ako ng simpleng jeans lang at t-shirt. Pag baba ko naman ng kwarto at handa nang malampasan ang kusina ay naharangan naman ako ng isang magandang babae. "Mommy" bulalas ko at niyakap sya. Matagal na nung di ko sya nakita, four months. "San ka pupunta baby?" napapout naman ako sa sinabi nya. "Mommy naman wag mo na po akong tawaging baby di na naman ako baby eh" natawa naman sya. "Kahit na hindi ka na baby, kahit na 17 years old ka na ikaw pa rin ang baby at nag iisang prinsesa para sa amin ng daddy mo" "Nahahawa ka na kay daddy mom ah" natatawa kong sabi. "Mommy pupunta lang po ako sa seven eleven wag ka pong mag alala kasama ko naman po sila Dia at Ash." "Si Marian hindi?" "Bad mood po si Marian at tulog na po yun" napanod naman si mommy. "Babye po mommy" tapos kiniss ko ang pisngi nya. Paglabas ko ng bahay ay lumanghap ako ng sariwang hangin at saka naglakad papunta sa seven eleven. Hindi naman nakakatakot na maglakad lakad dito kahit na gabi na kasi itong VillSub na to ay masyadong guarded. Siguro dahil sa maraming sikat at mga may kapangyarihang tao ang nandito sa VillSub na ito kaya ganun. Hindi naman madilim ang dinadaanan kaya naman hindi ako natatakot. Pagdating ko sa seven eleven ay nandun na silang dalawa. "Nagulat ako kay mommy" bulalas ni Ash. "Akala ko sila lang ni daddy at nila ate ang hindi uuwi pero kanina noong palabas ako ng bahay at kakatapos lang namin magtalo ni Pao biglang pumasok sila mommy kaya naman ayun nagtatalon ako sa tuwa." "Ano kayang meron noh?" nagkibit balikat naman ako esti kami pala ni Dia. "Hindi din naman namin alam kung anong meron at umuwi sila. Ang alam naman kasi natin five months silang mawawala di ba?" at nag agree naman sila sa sinabi ko. Bumili kami ng slurpee at saka donuts at naupo ulit. Walang ni isa man sa amin ang umiimik. Siguro dahil sa pare parehas kaming nag iisip kung anong meron at umuwi sila ngayon. Totoong five months silang mawawala. I mean yung parents namin at six months naman ang mga kuya at ate namin pero hindi naman namin akalain na uuwi sila ng maaga. Buti na lang talaga at wala kaming ginawang mga kalokohan kundi lagot talaga kami. "Hayaan na lang muna nga natin yun. Uwi na muna tayo?" nag nod naman kami ni Dia. Hindi ko alam pero feeling ko may sumusunod sa amin. Napatingin ako sa dalawa at base sa itsura nila alam kong parehas lang kami ng nararamdaman. Nagpanggap kaming walang nararamdaman kaya naman nagsalita si Dia. "Okay ganito na lang" napatigil kami, alam kong mainiisip na magandang paraan tong isang to. "Ano yun?" taas kilay namang tanong ni Ash. Alam kong natatakot na rin ang isang to kaya lang hindi naman kami pwedeng magpakita ng takot baka kung anong gawin sa amin. "Paunahan tayo sa bahay! Kung sino ang mahuli lagot may parusa" nakangiti nyang sabi. Yung ngiti ni Dia hindi normal halatang peke at pilit lang halata din sa mata nya ang takot siguro sakin din. "Game" sabi ko at nagkatinginan kaming tatlo "G---" Bago ko pa man masabi ang go may nakaharang na sa dadaanan namin, may limang lalaki na nasa harap namin ngayon. Tumingin ako sa paligid at tulog na siguro ang mga tao wala na kasing ilaw ang mga bahay bahay. "Anong kailangan nyo? Nakakaistorbo kayo ng laro" kahit na nagtataray si Ash nakikita ko pa rin sa mata nya ang takot. "Makikipaglaro din naman kami sa inyo ah ayaw nyo ba?" sabi ng isa at mas lalo naman akong kinabahan. "Kilala ba namin kayo para makipaglaro kami sa inyo? Sorry ah sabi kasi ni mommy wag kaming makikipaglaro or makikipag usap sa hindi namin kilala." sabi ko at saka lumingon sa dalawa "Let's go?" at nag nod naman sila. Nung naglakad kami mga tatlong lakad pa lang ata napalibutan na kami. Suot nga namin ang mukha namin na hindi takot pero deep down in our hearts gusto na naming umiyak dahil dito. "Di ba sabi namin makikipag laro kami?" sabi nung pangalawang lalaki. "Hindi nyo rin ba narinig kanina na ayaw naming makipaglaro sa inyo?" iritadong sabi ni Dia. "Mga pre di lang sexy, maganda may ibubuga din sa tapang" sabi naman nung pangatlong lalaki. "Baka tapang tapangan hahahaha" Napakagat na lang ako sa ilalim ng labi ko dahil sa takot ko, hindi ko alam kung paano namin namementain na ipakita sa kanila na hindi kami takot sa kanila kahit ang totoo ay takot na takot na kami. Hahawakan na sana ako ng isa kaya lang kinabig ako ni Ash. "Sino nagsabi sayong hawakan mo sya? May germs yang mga kamay nyo kaya wag nyo kaming hahawakan" totoong tapang na ang pinapakita ni Ash. Hindi kami magaling sa martial arts pero totoong marunong kaming makipag away ayaw lang naming ilabas sa iba dahil ang akala nila lady na lady kami. "Tapang nga" "Sige hawakan nyo silang tatlo di kayo lalabas ng buhay dito" Napatingin naman kami sa nagsalita at parang nawala lahat ng takot na nararamdaman ko dahil sa dumating sila. Naluluha na ako sa takot. Nagsitakbuhan agad yung limang lalaki dahil biglang dumating ang mga pulis at naghabulan sila. Napaupo naman kaming tatlo sa kalye unaware sa luha na nilalabas ng mata namin, akala ko mawawala na ang p********e ko ngayong gabi. "Ashley naman kasi di ka nakikinig sakin eh" niyakap naman ni Pao si Ash at humagulgol sya sa iyak. Pinunasan ko ang luha ko at saka tumayo. "Ash tara na" ngumiti ako sa kanya at nag nod naman sya at kumalas sa pagkakayakap kay Pao. "Alam mo ikaw babae ka para ka talagang si tita Aia" "Natural Troy nanay ko yun eh" tapos naglakad na ako at sumunod naman sila Dia. "Wala ba talaga kayong balak na pansinin kami?" napatigil naman kami ng magsalita si Oliver yun. "Hangga't hindi nyo naiintindihan kung bakit wala kaming balak na pansinin kayo" sabi naman ni Dia at umalis na kami. "Ash kaya mo pa ba maglakad?" nandito kami sa harap ng bahay nila Dia. "Natatakot ako" "My ghad" napatingin naman kami sa babaeng kakalabas lang ng pinto. "Dia, Ash, Rish okay lang ba kayo?" tanong ni tita Mhyleen. "Opo tita okay lang po kami" sagot ko naman. "Sa susunod please lang isama nyo sila Troy para di na to mangyari ulit" nagkatinginan kami at saka nag nod. "Pumasok na muna kayo tinawagan ko na parents nyo papunta na sila Chien at Aia dito pati na rin si Allieyah." Parang mas lalo akong kinabahan sa sinabi ni tita Mhyleen na pupunta sila mommy dito sa bahay nila tita. Hala baka papagalitan nila kami. Wala naman kaming nagawa kaya naman sumunod kami at naupo sa isa sa sofa sa sala. Maya maya pa ay dumating na rin sila Troy, Oliver at Pao. At after a minute dumating na rin sila mommy. "IRISH" sigaw agad ni mommy. "BAKIT BA KASI KAYO LUMABAS NG GANITONG ORAS?" "Mommy baka nakakalimutan mo pinayagan mo akong lumabas" sabi ko at napakamot naman ng ulo si mommy. Walang nagsalita sa amin lahat sila nakatingin sa aming tatlo naghihintay lang ata na magsalita kami. "Pano ba kasi nagkalusot ang ganong klaseng tao dito sa VillSub?" takang tanong ni tito Darryl at saka uminom ng tubig. "Nagreport na rin ako sa nangyari sabi naman ng mga guard wala naman daw napasok mula sa front, west, east and back gate ng VillSub" sabi naman ni tito Kyle. "Baka naman isa sila sa mga residente dito" bulalas pa ni tita Allieyah. "Pwedeng oo pwedeng hindi din Allieyah babes" sabat naman ni tito Lance. Nagdiscuss sila ng nagdiscuss at dahil sila sila lang ang nagdidiscuss ayun nakatulog na agad kami. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD