Marian's POV "Time of death 10:27 am" Hindi ako makahinga sa kakaiyak dahil sa narinig ko nag uumpisa na silang tanggalin ang mga nakakomekta kay Terrence di ko na alam ang gagawin ko. Itinayo ako nila Dia at saka ako dinala sa room ko dito sa hospital pagpasok ko dun ay nagpaiwan ako mag isa at sinunod naman nila ako. Walang humpay akong sumigaw at umiyak sa sakit ng nararamdaman ko. Iniwan na ba talaga nya ako? Bakit ganun parang baliwala lang kila tita? Kila Dia? Bakit ako lang ang umiiyak? Tinatago ba nila sakin ang iyak nila? Bakit? Pero hindi ko kailangan ng sagot sa mga tanong na yan ang kailangan kong masagot ay Bakit mo ko Iniwan baby Prince? Akala ko ba hindi ka aalis sa tabi ko? Bakit mo ba to ginagawa sakin? Ang sakit saki na Terrence baka mamatay na ko sa sakit alam mo ba