"F-Father wa—," wika niya ngunit hindi na natapos dahil may biglang kumatok sa pintuan nito. "Father, nasa labas po si Kapitan hinahanap po kayo," narinig niyang wika ng tao sa labas na nabosesan niya na si Leonard. "Bumalik na lang kamo mamaya, sabihin mo may kausap ako!" inis na wika nito. Parang nais nito agad na umalis si Leonard. Mukhang may binabalak ngang masama sa kanya si Father. Gusto niyang magalit dito, gusto niyang magwala, gusto niyang ipamukha dito na mali ang ginagawa nito pero hindi niya maintindihan ang kanyang katawan kung bakit tila yata nagugustuhan pa ang nais gawin ng pari sa kanya. "Eh Father, may dala-dala po kasi siya, hindi naman po pumapayag na sa akin na lamang ibigay." wika ulit ni Leonard na patuloy pa rin na kumakatok sa pinto. Madilim ang mukha n