Kabanata XXVI “Saan ka galing at sinong kasama mo?” mainit ang mga mata na tanong ni Antonio sa anak nang makapasok siya sa mansyon. Bakit naroroon na naman ito? Sabagay, dumadating ito sa tuwing manenermon, na para bang wala na siyang ginawang matino sa buhay niya. “The hell you care?” salungat na sagot niya sa ama at lalo lang itong bumalasik ang itsura. “Nagsumbong na naman ba ang dakilang sumbungera ng buhay mo? Sinabi rin ba niya sa inyo na ang kasama ko ay nanay ko at binastos niya at ininsulto?” Tigalgal si Antonio sa kauna-unahang pagkakataon pero kapagkuwan ay nagsalubong pa rin ang mga kilay. “Nanay mo? Patay na ang nanay mo. Sinong iho de puta ang nagpakilala sa’yo na nanay mo at babarilin ko?!” “Barilin mo ang sarili mo,” bwisit na sagot niya rito at sukat doon ay