Kabanata XVI Lumilipad na bag ang biglang sumalubong kay Stanley nang pumasok siya ng bahay. Naghuhubad siya t-shirt habang papasok sa loob ng pinto pero hindi niya inasahan na may bagong style ng pala ngayon ang Chanel bag. Lumilipad na ang tang-inang bag! Lumilipad ito pero wala namang pakpak! Umilag siya kaya sa hamba tumama ang kawawang flying Chanel. He paused for a while and looked at the bag on the floor, and then he looked at the one who threw it, Diana. This woman is getting worse. “How dare you ignore me like that?!” umiiyak na sabi nito sa kanya kaya halos mapasipol siya. Dinampot niya ang bag kahit na ayaw niya. Inilapag niya iyon sa sofa. “What’s your problem this time, Diana? Hindi ko na alam kung anong klase ng paliwanag at pakikisama ang gagawin ko sa'yo. Dito n