Kabanata XXXVIII Stanley sighed and shook his head when he saw Diana’s car in front of his father’s house. Ano na naman bang ginagawa ng babaeng ito sa bahay ng ama niya? Napahiya na at lahat ay sige pa rin. Wala ba itong sawa at wala ba itong balak na tantanan siya? Napakarami namang lalaki sa mundo pero bakit hindi nito maibaling ang pagmamahal sa iba? Wala naman siyang kasalanan sa pagkakaalam niya. Bata pa lang siya, rejected na ito pero sadyang daig pa nito ang makulit na linta kung makalapit at makakapit. Hindi naman talaga niya balak pumunta sa bahay ng Papa niya. He’s there just because of the late invitation of the President to his father. Sinasayang ama niya ang bango ng pangalan at katanyagan dahil lang kay Diana. Kahit na Presidente ng Pilipinas ay kilala ang ama niya bilan