Kabanata XL “Baby! God demit open the door!” Malakas na kalampag at ang sigaw na iyon ang nagpalingon kay Savannah sa loob ng powder room. Kilala niya ang boses na iyon. Napatingin siya sa mga babaeng nasa loob din at napatingin din sa pinto. “Diyos ko, eskandaloso. Pasensya na, asawa ko ‘yan,” kakamot kamot sa ulo na sabi niya sa mga babaeng magaganda. “He thought you’re missing,” anaman ng isa sa mga iyon kaya tumango na lang siya. Dali-dali siyang tumakbo papunta sa pinto at sumilip. Pinagpapawisan ito at gatla-gatla ang noo, tapos ay napabuga ng hangin. Sumilip ito sa pinto jaya agad niyang ipinagtulakan. “Diyos ko, bakit ka naninilip?” “Jeez! Akala ko kung napano ka na. You texted me.” Ha? Napatanga siya. Naisend ba niya ang message? Hindi naman niya iyon natapos d