Point of view - Rea Miller - Biglang dumilat ang aking mga mata nang sabihin niya ang kanyang pangalan. Sino kaya ang babaeng iyon? at bakit kamukha ko siya? Dahan-dahan akong bumangon, ibinaba ko ang aking paa at naglakad patungo sa may bintana ‘di kalayuan sa aking higaan at saka hinawi ang kulay itim na kurtina na nagsisilbing takip dito. "Madilim na pala sa labas," mahina kong saad. Bigla ko na naming naisip ang panaginip ko, napalingon ako sa pinto nang bigla itong bumukas at iniluwa nito si Keith. "Gising ka na pala, Rea. May kailangan akong sabihin sayo," narinig kong sabi ni Keith. "Ano ‘yon, Keith?" Dahan-dahan siyang Lumapit sa’kin at isinalaysay ang lahat ng nangyari. Habang nagkukwento sa’kin si Keith tungkol sa babaeng bampira na may pangalang Cathy, at tu