Point of View - Rea Miller - Pinaliwanag sakin ni Keith ang lahat ng nangyare nitong mga nakalipas na araw, tsk. hindi ako makapaniwala na magagawa yun ni Vincent sakin At isa pala syang bampira? haaay buhay ang mundo bang ginagalawan ko ngayon ay puro bampira nalang? baka sa susunod pati aso ng kapit bahay namin bampira nadin, hindi na ko magugulat tsk.tsk. nag lalakad ako ngayon pauwi samin, wala si Keith ngayon dahil dumating na daw si Vlad at meron silang importanteng pag uusapan, umiling iling nalang ako habang nakacross arm at iniisip ang kalokohang naisip ko kanina, satingin ko kahit naman mapuno pa ng bampira ang mundong ito ipagtatanggol padin ako ni Keith eeehh, nakaramdam ako ng kilig sa puso ko, ano kayang ginawa nya nung mga oras na hindi ko na sya naaalala? nag alala kay