Chapter 25 Tinaas ko ang tingin papunta sa grupo ng kalalakihan na nasa likuran niya. Ang ilan sa kanila ay may hawak na baseball bat. “Uno!” sigaw ko. Binalak ko siyang lapitan. “L-lumayo ka,” nanghihina niyang saad. “Pero–“ “Lumayo ka!” sigaw niya kaya agad akong lumayo. “Oh, Uno? Hanggang diyan ka na lang ba?” maangas na tanong ng isang lalaki. Ipinatong niya ang kanyang paa sa likod ni Uno. “W-wait, tatayo lang ako,” nahihirapang sagot ni Uno at nagbalak na tumayo pero pinalo ulit siya ng lalaki. “Tumigil na kayo!” sigaw ko. Lumingon sila sa akin at tumawa. “Paano ba ‘yan, Miss Vice? Kanina pa tapos ang klase kaya hindi n’yo na kami mapapasunod,” sagot ng isang may hawak na baseball bat. “Sayang, wala rito ang iba pang SGO. Mas masaya sana ‘pag marami kayong mabubugbog.”