Chapter 31 “Ano ba’ng kalokohan ’yan, Uno?” inis na tanong ko. Ngayon na nga lang siya pumasok, ganito pa ang bungad niya. Hindi ’yan nakakatawang biro. “Hindi ’to kalokohan, sinabi ko na kay Sir Martinez,” seryosong sagot niya. Lumingon ako kay Sir Martinez, tumango siya bilang tugon. Hindi makapaniwala kong binalik ang tingin kay Uno. “Pero... Bakit?” “Tinatamad na ako,” walang ganang sagot niya nang hindi tumitingin sa ’kin. Napakunot-noo ako bigla. Anong klaseng dahilan ’yan? Gano’n na lang ’yon? Tapos na ang issue sa mga miyembro ng Mythical Fighters, may ilan pang narito pero hindi na naman sila nanggugulo. Hindi ko maintindihan, kung kailan nabawasan na ang problema saka pa niya naisipang umalis. “Best decision, Uno. Magaling na leader si Reina kaya mas mabuting siya n