Chapter 23 PANIBAGONG araw na naman. Umaga pa lang ay bumungad na sa akin ang ingay ng mga kaklase ko. Pinag-uusapan nila si Uno at ang ginawa niya sa Acquaintance party kasama ang bullies. “Crush ko na talaga siya!” sabi ng kaklase ko sabay malakas na tili. “Ikaw, Pres? May crush ka na rin ba kay Uno? Ayie!” panunukso ng isa. Pinagtinginan nila ako at mukhang hinihintay ang isasagot ko. “Bakit ko naman siya magugustuhan?” pagbabalik ko ng tanong sa kanila. “Bakit hindi? Kami nga na hindi niya kilala, nagkakagusto sa kanya, ikaw pa kaya na palagi niyang kasama?” Bigla kong naalala ‘yung sinabi niya noong Acquaintance party. “Yayayain kong pakasalan.” Hindi ko maintindihan ang naramdaman ko noong oras na ‘yon. “Ayie! Si Pres, hindi agad makasagot.” Nabalik ako sa reyalidad at tumi