Chapter 34 NAKANGITI akong pumasok ng gate at naglakad sa hallway. Medyo sinisipon ako dahil sa pagpapaulan namin ni Uno noong sabado. Nagsermon pa si mama sa akin dahil para akong basang sisiw nang umuwi, pero nakangiti lang akong nakinig sa kanya. “Good morning, Reina.” Agad akong lumingon sa nagsalita. Medyo nawala ang ngiti ko nang makita si Harry. “G-good morning pala, Harry,” bati ko. Bigla kong naalala na hindi ko pa pala na-reply-an ang message niya. “Kumusta? Mukhang lalo ka pang magiging busy dahil ikaw na ang SGO President,” saad niya. Nakangiti akong umiling. “Bumalik na si Uno sa SGO kaya okay lang.” Napansin ko ang gulat sa mukha niya nang marinig ang sinabi ko pero agad din siyang ngumiti. “Gano’n ba?” “Vice.” Mabilis akong napalingon sa likuran nang marinig a