Chapter 17 NAGKASALUBONG kami ni Uno at parehas na huminto sa tapat ng Admin's Office. Pinapatawag kami ni Sir Francisco, sana hindi 'to bad news. “Oy, Vice sungit.” Nagkaroon ng ngiti sa ’king labi nang matanaw si Harry na kanyang kasunod. “Hi, Reina,” bati na bumuo ng araw ko. “Hello, Harry,” bati ko sabay kaway. Napansin ko ang pangiwi ni Uno. Binuksan niya ang pinto na humarang sa direksyon ni Harry. “Tara na,” malamig niyang sabi at hinila ang braso papasok sa loob. “Uy! Ano ba? Kita nang nag-uusap pa kami, hinila mo na ako,” inis kong sabi pagkatapos ay marahas na tinanggal ang braso ko sa pagkakahawak niya. “Ehem ehem.” Nabaling ang atensyon namin kay Sir Francisco nang umubo siya. “Good morning, Sir.” Pinaupo niya na kami. “Well, may ibibigay ako sa inyo.” Inabot ni Sir