Chapter 28 GAYA ng sinabi ni Uno, pumasok na siya kinabukasan pagkatapos niyang ma-discharge. Nakasalubong ko siya sa tapat ng school kaya sabay na kaming pumasok. Napatingin ako sa kanya habang naglalakad. Mayroon pa siyang kaunting sugat sa mukha at galos sa batok. Siguradong may mga pasa pa rin siya sa katawan pero hindi ito nakikita dahil sa long sleeve uniform. “Pumasok na pala si Uno, siguradong may mangyayari na namang gulo.” Napalingon ako sa dalawang babaeng nag-uusap na nauna sa amin maglakad. “Marites, mukhang narinig ka,” bulong ng kasama nito. “Tara na, bilisan natin,” aniya pa at mabilis silang naglakad palayo. “Good morning.” Agad kong binalik ang tingin kay Uno. Halos nakapikit na ang kanyang mga mata dahil sa lapad ng ngiti niya. Biglang naging awkward ang d