Chapter 8

1579 Words
Chapter 8 “Tara, sabay tayong magpakamatay.” Napahilamos ako ng mukha habang kabadong nakatingin sa kanilang dalawa. Isang maling galaw lang ay puwede silang mahulog, apat na palapag pa naman ang building na ‘to! Hays! Ano bang utak ang meron ka, Uno? Imbis na isa lang ang pinoproblema, dumagdag ka pa. “Cedric! Bumaba ka na riyan! Pag-usapan natin ‘to! Uno! Isa ka pa!” narinig kong sabi ni Sir Martinez gamit ang mega phone. “Ayoko! Walang teacher na aakyat! Kundi magpapakamatay na talaga ako!” sigaw ng lalaki. Binalik ko ang tingin kay Uno. “Hoy, Uno! Ano ba ang ginagawa mo?” Hindi niya ako pinansin at nanatili sa pagdama ng hangin sa gilid ng rooftop. Binuka niya ang dalawa niyang braso na tila ba’y isa siyang ibon. Ngayon ay nasa kanya na ang aming atensyon. “Everynight in my dreams, I see you, I feel you…” pagkanta niya nang wala sa tono. My Heart will go on pa talaga ni Celine Dion. Wala siya sa movie ng Titanic! “Ginagago mo lang yata ako!” inis na saad sa kanya ng lalaki. “Umalis na kayong dalawa riyan!” sigaw ko. Gusto ko nang matapos ang lokohan na ‘to. “Hindi kita ginagago.” Napatingin ako kay Uno. Ngayon ay seryoso na ang kanyang mukha. “Alam mo ba na ang tingin ng lahat sa ‘kin ay masama, siraulo, basag-ulo, gago, walang kuwenta at walang patutunguhan sa buhay?” dugtong niya. “Alam ko,” deretsong sagot ng lalaki. “Buti naman. Minsan gumagawa rin ako ng tama… pero mali pa rin ako sa paningin ng iba. Nakakapagod.” Natigil ako nang sabihin niya ‘yon. “Kahit pinipilit mo nang gumawa ng mabuti sa kanila, mali mo pa rin ang kanilang iisipin at tatandaan.” Hindi ko alam ang sasabihin ko. Ang hirap tumutol, lalo na at may punto rin siya. Tumingin ako sa lalaki, hindi niya na napigilang umiyak. “Pareho tayo.” Yumuko ang lalaki. “Tingin nila, balewala lang sa ‘kin ang masasakit na salita. Pinapakita ko lang na hindi ako apektado, dahil lalaki ako. Dapat malakas pa rin ako sa harap nila, kahit ang totoo, hindi ko na kaya.” Kitang-kita sa bawat patak ng luha niya ang sakit na kanyang nararamdaman. Wala akong masabi, hindi ko alam ang sasabihin ko. Gusto ko na lang siyang yakapin. “Talon na tayo?” tanong ni Uno. Hala! Seryoso ba talaga siya? “Bibilang ako ng tatlo.” Aba’t! Gusto ko na silang murahin! Bibilang pa talaga si Uno para sabay silang tumalon! “Isa… dalawa…” Pipigilan ko na sila. “San–” “Sandali lang,” Magsasalita pa lang sana ako pero naunahan ako ni Uno. “Walang beer sa impyerno, ‘wag na tayo tumuloy.” Natigil ako at parang nag-loading muna ito sa isip ko. “Gago ka talaga, Uno,” pagmumura sa kanya ng lalaki. Parehas silang tumawa. “Pero gusto mo na ba talaga mamatay? Isipin mo bro, sa impyerno, walang beer, walang p**n, walang s*x. Mas lalo ka pang mahihirapan.” Ano’ng klase na dahilan ba ‘yan, Uno! “Oo nga, ‘no? Teka nga, ‘wag mong guluhin ang isip ko ng mga kalokohan mo,” inis na wika ng lalaki. “Hays! Shot na lang tayo ‘pag ayaw mo nang magpakamatay,” naiinip na wika ni Uno. Nag-inat muna siya ng ng braso bago bumaba sa edge. Tinalikuran niya ang lalaki at naglakad papunta sa direksyon ko. “Kakausapin mo pa siya?” tanong niya. “Wala ka talagang kuwenta,” inis kong sabi. Seryosong sitwasyon, ginagawan niya ng kalokohan. “Alam ko,” tipid niya sagot at nagsimula nang maglakad. “Sandali.” Natigil kaming dalawa nang marinig ang lalaki. Lumingon kami sa kanya. Bumaba siya ng edge at naglakad palapit sa ‘min. “Salamat.” Huh? Napuno ng tanong ang isip ko. Bakit nagpasalamat ang lalaki sa kanya? Eh, puro kalokohan lang ang ginawang pakikipag-usap ni Uno. Pero ang mahalaga na lang ngayon ay hindi na siya tutuloy. Tumingin sa akin ang lalaki. “Sorry, Ms. Vice. Nakaabala pa ako sa inyo, hindi ko talaga ito gusto pero sobrang dami nang pumapasok sa isip ko,” paliwanag niya. Ngumiti ako sa kanya at niyakap siya nang mahigpit. Kahit man lang sa paraan na ito ay mabawasan ko ang sakit na kanyang nararamdaman. “Basta ‘wag mo nang gagawin ‘yon. Kung may problema ka, nasa SGO office lang kami. Nandito kami para sa ‘yo,” sabi ko pagkatapos niyang kumalas. “Buti na lang talaga hindi ka nag-suicide dahil hindi mo mayayakap si Reina ‘pag patay ka na.” Tiningnan ko nang masama si Uno. Nagkibit-balikat lang siya at ngumiti sa ‘kin. “Sabi nga nila, ‘You’re not totally useless, you could be used as a bad example," saad niya sabay tapik pa sa balikat ng lalaki kaya hinampas ko siya sa braso. “S-salamat po,” nakayukong sabi nito. Bumaba na kami pagkatapos magkaintindihan. Mabilis na sumalubong ang iba pang SGO officer.. “Mabuti naman, ayos na. Ang galing n’yo, Pres at Vice,” bungad na sabi sa amin ni Kevin. Ngumiti na lang ako ng pilit. Ang totoo, wala akong naitulong sa kanila. “Pakisabi na ayos na ang lahat, puwede nang bumalik sa klase,” sabi ni Uno sa iba. “Naku! Gumawa lang pala ng eksena, nasayang lang ang oras natin.” “Papansin lang talaga si Cedric, kinulang sa aruga,” rinig kong kwentuhan ng mga estudyanteng dumaraan. Imbis na matuwa sila dahil ligtas na ang lalaki, mas pinili pa nila itong husgahan. “Nag-eskandalo pa sa school, nakakahiya siya.” Lumapit sa amin ang mga guro. Kitang-kita sa mga mukha nila ang inis. Hindi ba sila natutuwa dahil hindi natuloy ang pagpapakamatay nito? “Mag-usap tayo sa office,” sabi ng isang guro sa lalaki. Napansin ko naman ang paglapit sa ‘min ng Admin na si Sir Francisco. “Good job, Reina. Salamat sa ginawa mong pagpigil,” nakangiting sabi niya. Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko. Nagdadalawang-isip pa ako na ngumiti. Wala naman akong ginawa. Si Uno talaga ang pumigil. “Ikaw naman, Uno, gumawa ka pa ng kalokohan sa taas,” dismayadong wika nito. Totoo na gumawa si Uno ng kalokohan pero ‘yon ang pumigil sa lalaki. Tumingin ako kay Uno at sinenyasan na sabihin niya ang totoo. “Hindi na kayo nasanay,” nakangiti niyang sagot. Napailing na lang si Sir Francisco at umalis kasama ang iba pang mga guro. Inis kong binalik ang tingin ko kay Uno. “Bakit hindi mo sinabi na ikaw talaga ang pumigil?” tanong ko. “Bakit pa? Hindi naman siya maniniwala.” Natigil ako nang marinig ang sagot niya. Bigla akong nakaramdam ng awa habang tinitingnan siya. Pero mas nangingibabaw ang inis. Inis sa kanya, sa iba, at inis sa sarili ko. Inis sa kanya dahil ayos na lang na maging pangit ang image niya sa iba. Inis sa iba dahil mahilig silang manghusga kahit hindi nila alam ang tunay na kwento. At inis ako sa sarili ko dahil naging katulad din nila ako. “Reina,” pagtawag niya. “Sorry sa sinabi kong walang kuwenta ang Vice.” Gulat ko siyang tiningnan. Hindi ko inaasahan na marunong pala siyang mag-sorry. “S-sorry din sa mga sinabi ko,” sagot ko. Ngumiti siya at tumango. “Yie! ‘Di na sila LQ, bati na sila!” panunukso nina Gabe at Ashley sa amin. Napabuntong-hininga na lang kami parehas. “Anyway, tapos na ang oras natin. Bumalik na kayo sa klase,” pagbabago ni Uno ng usapan. “Aye, aye!” Nauna na siyang nang maglakad kasunod ang iba pang miyembro. Napalingon ako sa direksyon ni Kevin at agad siyang nilapitan. “Kevin, ako na gagawa ng proposal,” sabi ko. “Akala ko ba ayaw mo, Ate Vice?” nagtataka niyang tanong. “No, gusto ko na.” Gusto kong bumawi sa mga nagawa ko sa kanya. DALAWANG ARAW matapos ang pangyayaring ‘yon. “Ito na.” Inilapag ko sa table niya ang folder na naglalaman ng project proposal na gagawin namin ngayong taon. Inayos ko talaga ito at ginandahan ang paliwanag para mabilis na maaprubahan. Wala rin akong pinalagpas na typo. “Pirma mo na lang kailangan,” sabi ko. Inilapag ko rin ang ballpen sa harap niya. Kinuha niya ang ito at nagsimula nang pumirma. “Hindi mo babasahin?” kunot-noo kong tanong. “May tiwala ako sa ‘yo,” sagot niya nang hindi ako nililingon. Biglang nag-init ang mukha ko na parang ewan. “Sus! Palusot ni Uno, tamad lang talaga ‘yan magbasa,” sabat ni Percy na lumapit sa ‘min. Nabalik ang tingin ko sa papel. Nanlaki ang aking mga mata nang maglagay siya ng hugis ano sa taas ng kanyang pangalan. “Ano ba ‘yan, Pres? Bakit nag-drawing ka ng betlog?” natatawang tanong ni Percy. “Hindi ‘yan drawing, pirma ko ‘yan,” sagot niya. Pirma? Sa dinami-rami ng puwedeng maging pirma, ‘yung mukhang betlog pa talaga! Napasapo na lang ako ng noo. Ang ganda-ganda ng proposal na ginawa ko. Pirma niya lang talaga ang panira. “‘Di ba? Kakaiba,” pagmamalaki niya. Proud pa talaga ang loko. Napailing na lang ako. Ibang klase ka talaga, Uno.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD