Chapter 21 “Percy, magpalamig ka muna. Try mo ‘yung Oh My Tea, masarap daw milk tea doon,” saad ni Uno paglabas namin ng Office. Inis na umiling si Percy at naglakad na paalis. “Ano ‘yon, Uno?” dismayadong tanong ko. Akala ko pa naman kakausapin niya na si Percy at ipapaliwanag ang sitwasyon ni Gray. Nagpaalam na ang ibang officers umuwi kaya kaming dalawa na lang ni Uno ang magkasabay na naglalakad. “Akala ko pag-aayusin mo na ang dalawa,” saad ko habang nakatingin sa daan. “Tiwala lang, maaayos din nila ‘yon,” sagot niya. “Wala ka bang pakialam sa kanila? Ikaw ang president pero hinahayaan mo lang sila. Paano kung ’yang kawalan mo ng aksyon sa officers mo ang magpalala pa ng sitwasyon?” magkakasunod kong tanong dahil sa sobrang inis. Napansin ko ang pagtigil niya. Seryoso siya