SIXTEEN: "The Celine's effect!" "Celine, hindi mo pa rin sinasabi sa amin ang dahilan ng puno't-dulo ng pinag-awayan ng mga lalaki kagabi sa birthday ni Tyrone." ani Sasha habang kumakain kaming tatlong magkakaibigan sa school canteen. "Nga naman, Lin! Hanggang ngayon sumasakit pa rin mga ulo namin kaiisip kung ano ba talaga ang nangyari kagabi." dugtong pa ni Serenity. Kanina palang pagdating ko sa classroom sa umaga ay hindi na ako tinigilan ng dalawang ito katatanong kung ano nga raw ba talaga ang nangyari at pinagmulan ng away ng mga lalaki sa party kagabi. Ako naman itong iwas pusoy kasi nahihiya naman akong aminin na ako at ako talaga ang puno't-dulo no'n. "Ah, teka girls ah? Nag-text nga pala si Daisy. May answers na raw s'ya sa assignment natin sa Contemporary Math." palusot ko

