THIRTY-THREE.TWO: "Nothing's special, just one of my flings." Beware: Harsh SPG! ✌ Nang sumunod na araw ay ginawa ko lahat ng makakaya ko para lang makausap ko si John. "John..." tawag ko sa kanya nang makitang papasok siya ng classroom nila. Nasa labas ako ngayon ng room nila at kanina pa siya hinihintay na dumating. Gano'n na lamang ang pagbagsak ng balikat ko nang parang hangin na dinaanan lang niya ako at 'ni hindi man lang tiningnan saka tuloy-tuloy na pumasok ng classroom nila nang hindi ako pinapansin. "John, let's-" hindi ko naituloy ang sasabihin ko at ang pagsunod sana sa kanya sa loob nang pinigilan ako ni Sasha sa braso. Oh, by the way, nakalimutan ko. Kasama ko nga pala silang dalawa ni Serenity. Sinabi ko naman na sa kanila kanina na kaya ko naman na 'to ng mag-isa, bu

