SIX: "Oo naman! Magkasama kami sa iisang kwarto lang kaya imposibleng hindi ko makita.'' ''Goodnight, guys. Goodnight, Seni, Sha.. '' sabi ko sa mga kaibigan ko, then I hugged my two girl bestfriends. Katatapos lang naming kumain dito sa restaurant ng The Farm. Kumpleto kaming tatlong girls and the six boys. About naman sa issue namin kanina ni Seni, nagkabati na kami. Nag-sorry na kami sa isa't-isa, pati na rin kami ni Sasha okay na. ''Goodnight, I love you, girls.. '' nakahikab na ani Sasha naman saka ginantihan ako ng halik sa pisngi at pati na si Seni. ''I love you.. '' ani Seni habang yakap kami ni Sha at mukha yatang pagod na rin talaga. Unti-unti na kaming nagsilabasan ng restaurant. Nauna si Sasha na naglakad na papuntang room n'ya, nire-reserve kasi n'yan energy n'ya para sa