THIRTY-ONE: "This is so wrong!" Matapos ng makabagbag damdaming tagpo naming iyon ni John, nagpaalam siya sa akin na pupunta raw sila ng family niya sa Canada para ihatid ang kanyang ate Zia at mag-i-stay sila roon ng iilang weeks para na rin sa vacation break. "Pwede naman nang hindi na 'ko sumama pa sa kanila, Lin. I'll just stay here and enjoy the whole vacation together with you." aniya. "Oh come on, John, sumama ka na! Minsan na nga lang kayo nagkakasama ng ate Zia mo, tatanggihan mo pa. Magtatampo na ng tuluyan iyon sayo." "Tss. Madali lang namang suyuin si ate." "Just go with them, John. They're your family and they want you on that trip kaya sumama ka na." 'Yon na nga, at last, wala siyang nagawa kundi ang sumama na sa Canada. Ayoko naman kasing may ma-miss siyang family trip

