TWENTY-THREE: "Hindi mo naman ako sasaktan 'di ba, baby?" "Gusto ko! Syempre, gustong-gusto ko!" nasa tono na ngayon ni John ang kasiyahan. "Weh? Hindi halata. Kakasabi mo lang kanina na 'wag na eh kasi late na masyado so ayaw mo talaga. Sige, ibababa ko nalang 'to, mornight." ako naman ang nakuhang magdrama. Gantihan lang! "Teka, 'wag! Lin, gusto ko syempre! Nagtatampo lang ako kanina kasi akala ko-" "YAN! PURO KA KASI AKALA! 'NI HINDI MAKAPAGHINTAY! MASYADONG ATAT!" sigaw ko na. Nakakainis lang kasi eh! "Ouch! Pwede ba, lower your voice, Lin! Ang sakit kaya sa tainga." saway niya bigla sa akin. "Eh ikaw kasi eh! Atat!" sagot kong hindi pa rin binababaan ang tono ko. "Okay, fine, oo na. Okay, mali na ako. Sorry na." malumanay niyang pagpapakumbaba. Hindi ako nagsalita. Gago! "Uy,

