***** ALI Katulad nga ng sinabi ni Sancho, hindi nya ako hinayaang lumabas ng silid na hindi sya kasama kahit na nangako na akong hindi ko na sya iseset up ng date sa mga candidates. I accepted it now, I want Sancho for myself, I want to be selfish kahit ngayon lang. Hindi ko alam kung saan kami dadalhin ng pangyayaring ito pero isa lang ang sigurado ko, kaya kong harapin ano man ang dumating basta nasa tabi ko palagi ang gwapong lalaking ito. "What?" wika ni Sancho sa akin ng makitang nakangiti ako habang pinapanood syang nagbibihis. Tapos na akong magbihis at inaantay ko na lamang syang matapos upang makalabas na kami dahil hindi talaga sya pumayag na mauna na ako sa kanya. "Nothing, I'm just admiring how hot and gorgeous my man is." nakangiting sagot ko dito bago dahan dahang lumapi