Walang gana akong naglalakad papasok sa loob ng school. Walang class ngayon dahil sa preperation for our school fest at mamaya na rin naman ang dating ng mga tailor na sinasabi ni Ryo. Wait, are we that close to calling him that way? No, we're not. I sighed and just went to our room. Only a few of us are here right now since ang iba ay busy pa sa pamimili ng mga kakailanganin. Also, iilan lang din kami na nilagay ng aming Class Rep para mag-design ng loob ng room. "Hindi ko talaga gets kung bakit konti lang tayo," inis na sambit ni Rona at bumuntong hininga. "Hindi ba naisip ni Class Rep na mas mahirap ito kaysa sa mamili at maghanap ng mga kakailanganin? Nasiayos na rin naman natin lahat ng kakailanganin," dagdag pa na reklamo niya. Hindi na lang ako nagsalita dahil hindi ko rin n