Isang araw pa lamang ang nakakalipas na wala si Ryosuke sa tabi ni Kenji ay wala na kaagad siya sa mood. Hindi malaman ni Kenji kung bakit iritable siya sa mga oras na iyon gayong sanay naman siyang hindi laging kasama si Ryosuke. Hindi niya alam kung bakit pero isa lamang ang nasa isip niya na dahilan at iyon ay dahil sa officialy pair na silang dalawa. "Isang araw pa lang, Kenji, ganyan na kaagad ang mukha mo?" pang-aasar ni Liam kay Kenji nang sabayan niya ito sa paglalakad. "Kung ayaw mong masaktan ngayon, Liam, sinasabi ko sa 'yo tigilan mo ang pang-aasar sa akin," kaagad naman na sabi sa kaniya ni Kenji. Nang makita naman ni Liam na wala talaga sa mood si Kenji ay napalunok ito ng laway at saka tumawa nang pilit. "Okay, hindi na kita aasarin," sabi nito at saka siya naglakad