Nasa kabilang class room pa lang ang triplets ko na mga kapatid pero 'yung mga classmates ko nasa labas na at nag-aabang. Hindi ko rin naman sila masisisi, my brothers are beautiful, they're really deserved to be admire by everyone. Unlike me.
Tumingin na lamang ako sa labas ng bintana at pinanood ang mga naglalaro ng soccer sa field. I wish I could play too. Simula noong nag-manifest ang katawan ko nawala na ang kakayahan ko na maglaro at makipagsabayan sa mga alpha ng kapatid ko. I basically became half omega, half beta.
"Hey," tawag sa akin ng isang classmate ko kaya naman lumingon ako sa kaniya.
A beta.
"Hey," I greeted back.
"Hindi ka ba titingin doon?" tanong nito at umupo siya sa desk ko.
"For what? Papasok din naman sila rito," I answered honestly.
Mahina siyang tumawa sa akin at saka siya tumingin sa mga classmate namin na nagsisiksikan sa labas. Tanging mga beta na lalaki na lamang ang naiwan dito sa classroom dahil maging ang beta na babae ay nakikisali at nakikipagsiksikan na rin sa hallway.
"Hindi ko alam kung bakit ganiyan sila," sambit niya at hindi na lamang ako nagsalita. Hindi ko naman siya kilala. "Oh right." Tumayo siya at inilahad ang kaniyang kamay sa akin. "I'm Johan Yoon, beta," pagpapakilala niya.
"Kenji," sambit ko naman sa pangalan ko.
Nakipagkamay siya sa akin kahit na kitang kita ko sa mga mata niya ang pagtataka. Hindi lamang iyon, kita ko rin naman na marami siyang tanong ngunit wala akong balak magtanong sa kaniya kaya hinayaan ko na lamang siya dahil wala rin naman akong balak na sumagot.
Ilang sandali pa ay nagmamadali nang magsibalikan ang mga classmates namin. Kitang kita ko ang mga Alpha kong classmate na pinipilit nilang ilabas ang kanilang pheromones at mabuti na lamang at nakabukas ang bintana sa tabi ko at wala akong naamoy na pheromones mula sa kanila. Kung makakaamoy man ako siguradong ako ang magkakaproblema.
As a recessive omega, I am quite sensitive pagdating sa pheromones. Kahit na kaninong pheromones ng alpha ay makakapag-trigger sa heat ko kaya naman hindi talaga maganda na mapasama ako sa mga alpha.
"What the hell with these pheromones?!" galit na sambit ni kuya Masato.
He hates it.
Natahimik naman kaagad ang mga alpha dahil sa sinabi ni kuya Masato at napatingin ang mga alpha sa mga omega namin na kaklase. They are all holding their nose trying to prevent themselves from inhaling the pheromones. Also, some of them were panting so hard and my brothers asked a beta to help some of omega to go to the clinic.
"First of all I wanted to warn all the alphas and omegas here that emitting your pheromones is forbidden. This is to help everyone to be comfortable with each other," seryosong sabi naman ni kuya Kiyo at saka niya inilibot ang kaniyang tingin.
Agad ko naman na iniwas ang tingin ko dahil sa alam ko na may mangyayaring hindi maganda kapag nakipagtitigan ako sa kanila. Lalo na kay kuya Aoki na sobrang daldal.
"Ke-"
Magsasalita na sana siya ngunit kaagad naman siyang hinawakan ni kuya Kiyo sa bibig at tinakpan ito. Mayroon pa siyang binulong at kaagad din naman na nakita ang takot sa mukha ni kuya Aoki. Si kuya Kiyo lang talaga ang nakakakontrol sa bibig ni kuya Aoki.
Nagsalita pa sila tungkol sa mga bagay na dapat at hindi namin dapat gawin lalong lalo na ang makulong sa iisang lugar. Pinaalalahanan nila ang mga alpha na kapag may nangyaring hindi maganda sa omega at sila ang kasama kahit may kasalanan man o wala, they will hold responsible for it.
"Goodbye," sambit ng tatlo.
Hindi ko nga laang alam kung para kanino nila iyon sinasabi. Sa akin ba o para sa mga classmates ko.
Nang makaalis ang triplets ay mas lalo silang umingay at kung anu-ano ang naririnig ko. May ilang alpha na hindi natutuwa sa ginawa nina kuya Kiyo at meron din namang natutuwa at pinag-uusapan kung single ba si kuya Kiyo or what dahil alam naman nila na wala siyang mate.
"I really wanted to be part of their family. Baka hindi ko na kailangan pang maghirap kapag ganoon," sambit ng isang alpha kong kaklase.
Wow, as if naman matatanggap ka sa pamilya namin na ganiyan ang iyong ugali. Kay kuya Kiyo pa lang hindi ka na papasa.
"At kung makapasok man ang isa sa atin ay hindi na natin kailangan pang magtrabaho, hindi ba? Mayaman naman sila kayang kaya nila buhayin ang alpha ng mga omega sa pamilya nila. Hindi ba?"
Wow, what a scumbag you are! Ang mga brother and sister-in-laws ko ay halos mamatay matay na kakatrabaho tapos kayo gusto ninyo nang masarap at masaganang buhay? Anong akala ninyo sa pamilya namin, tumatanggap charity?
"Pero hindi ba ninyo napapansin na parang ang ilap nila sa ibang alpha? I mean, look, hindi nila tayo mapapansin dahil mayayaman sila."
"Kuyang sabagay. Pag mayaman, mayaman din hanap. Ganyan naman talaga ang ugali nilang mga mayayaman sila sila lang din naman ang nagkakagustuhan."
Wow. One of my brother-in-law is an orphan and he's a beggar before he meets my cousine. He's a beggar but he's a hardworking person kaya siya nagustuhan ng pinsan ko. Iyang ugali ninyo ang hindi papasok sa pamilya namin.
Gusto ko sanang sabihin ang mga salitang iyon sa kanila pero wala naman akong karapatan dahil hindi naman nila alam kung ano at sino ako. Tumayo na lamang ako at kinapa ang cellphone ko sa bulsa ko saka ako lumabas ng classroom. Masyadong maingay.
"Hello, Haru?" I said after he picked up my call.
"Oh! Kenji, bakit may problema ba?" tanong nito.
"Pakitawagan na lamang sina Aoi, Kasumi, at Rayle. Magkita kita tayo mamaya sa condo ko."
"Oh, is it time for our gathering?"
"Uh-huh,"
"Okay, okay, sasabihan ko sila. Pero baka hindi makapag-open si Aoi. Alam mo naman na nasa ibang bansa iyon."
"Yes, alam ko. Pero kailangan pa rin kasama siya."
"Okay, okay."
After I hung up the call I turned around to go back to our class but I flinched when I saw an alpha standing behind my back.
Kumunot ang noo ko at tumingin sa kaniyang mga mata. As long as he won't emit a pheromones it won't be a problem to me.
"May kailangan ka?" tanong ko sa kaniya.
Umiling naman siya. "I just felt like I've seen you before," he said.
"I don't know you, though," I said and looked at my phone. "Pwede na ba akong makaalis? May class pa ako," I added.
Tumango na lamang siya ngunit nakatingin pa rin siya sa akin. Did I saw him before? Hindi ko pa naman siya nakikita e… wait, what if sa mga gatherings ko pala siya nakikita? Ibig sabihin may chance na makilala niya ako!
No. No. No. Kalma ka lang, Kenji. Hinding hindi ka niya makikila. You're way more less that before.