Natawa naman ako nang mahina at nagsimula na namang asaran ni Bora at Rona si Ryo hanggang sa magsawa silang dalawa dahil hindi man lang napipikon sa kanila si Ryo. Para ngang wala lamang kay Ryo ang mga sinasabi ng dalawang ito e. "Oo nga pala," sabi ni Rona at napatingin sa akin. "Kumusta na pala kayo ng kapatid mo? Hindi pa rin ba kayo nagpapansinan?" She added. Umiling ako. "Hindi at wala akong balak," kaagad ko naman na sagot na kinabigla nila. "Don't worry, I have my own reason and it was just provoked by what my brother said, so don't worry. It is not connected to you or to any of you," I added. Halata namang hindi sila kumbinsido pero wala na akong balak pag-usapan pa iyon kaya nanahimik na lamang ako. Nagtanong na lang sila sa kung anong gagawin naming dalawa ni Ryo dahil malap