ISANG floating medicine cabinet malapit sa bar ang binuksan ni Colin. Mula roon ay kinuha nito ang bulak, alcohol at isang maliit na kahon. Lumapit ito sa bar at ipinatong doon ang mga panggamot. Nilapitan niya ito. Sa gilid ng mukha malapit sa panga nito ay nakita niya ang may isang pulgadang hiwa. May bahid din ng dugo ang pisngi nito. Napasinghap siya. "N-nasugatan kita..." "It's fine, Sweetheart. Maliit na sugat lang 'yan," ani Colin na nakayuko sa kaniya. Ngayong nakapaa siya ay hanggang balikat na lang siya ng binata. Nagkatinginan sila nito. Nakabaha sa mukha niya ang guilt. "I-I'm sorry..." He smiled. Dinampot nito ang kamay niya at hinalikan. Gumapang ang maliliit na kuryente sa kaniyang braso sa ginawa nito. "Noon pa man alam ko na palaban ka at matapang. Pero ngayon, bayol