"HINDI natuloy ang sinabi kong pagbebenta ng shares, Hija," ani Don Marciano. "Nang malaman nina Cayel at Clyde ang tungkol sa plano ko ay parehong tumutol ang dalawa. At upang mapunan ang pondong kailangan ko para sa charity at sa aking foundation, nag-donate sila ng ilan sa kanilang mga ari-arian." "So it means, ikaw pa rin ang major shareholder ng Asia's? Bakit sinabi ni Dad na nagpalit ng management?" Ngumiti ang Don. "Dahil isinalin ko na iyon sa pangalan ni Colin. Sa mga huling sandali ay tinanggap din niya ang alok ko but, only to guarantee you and your father's position in the company. Ang balita ko pa ay si Alfonso ang gusto ni Colin na ilagay sa Presidency. Tutal ay dati nang sa ama mo ang posisyon na iyon. Colin wouldn't want to leave his own company." Hindi siya nakapagsalit
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books