NAGKULONG si Florence sa kwarto pagkapasok. Hinalungkat niya ang closet at mula roon ay kinuha niya ang kahon kung saan nakalagay ang lahat mga iniregalo sa kaniya ni Colin. She just realized that they hadn't had a valid closure. She just said goodbye to him more than five years ago and then he was gone. Hindi siya sigurado kung tama ba ang naiisip pero pakiramdam niya ay kailangan iyon. Pero bakit tila niyayanig ang kaniyang kalooban? Five years. Sigurado siyang baon noon ni Colin sa pag-alis nito sa Sta. Catalina ang hinanakit na sanhi ng walang pakundangang pag-iwan niya. Dapat ba siyang matakot ngayong nagbalik na ito at nagkita na sila? Hindi ba at hiniling naman niyang makita ulit ito? Pero bakit kakaibang takot ang nais niyang maramdaman pagkatapos ng mga nangyari? Mistula siya