Pagkatapos ng kasal, tulad ng inasahan ni Calynn ay sa penthouse ng five-star hotel na Gazzer Palace pala ang pangalan sila huling napadpad ng kaniyang bagong asawa. Na kung hindi sa pa-trivia ulit ni Yeyet kanina ay hindi niya malalaman na ang hotel ay pag-aari rin mismo nina Reedz. Nalula ulit siya sa kayamanang meron ng kaniyang naging asawa. Mukhang kailangan na niyang masanay agad. “Let's stay here temporarily for now,” sabi ni Reedz nang makapasok sila sa loob ng penthouse. “Kapag nagkaroon ako ng oras—” “Hindi, okay lang. Ang ganda nga rito, eh,” pamumutol niya sa sasabihin nito. Hindi na nito kailangang magpaliwanag dahil para sa kanya’y sobra-sobra na ang penthouse na tirahan para sa kaniya. “Kahit saan ay okay lang.” Pinakatitigan na naman siya ni Reedz. Napangiwi naman siy