“Ayos ka lang ba? Gusto mo bang takpan ko ng kumot ang mga—” “Huwag kang OA. Hayaan mo na ‘yan,” pasupladong pamumutol sa kaniya ng asawa. Ilang minuto nang wala ang kanilang Tita Doreen sa kuwarto, ngayon lang siya nagkaroon ng lakas para kausapin ito. “Pero hindi ba ayaw mo ng kulay pink?” paniniguro niya. Hiyang-hiya pa rin siya sa kinaroroonang kuwarto. Hindi niya alam na mas obsess pa pala ang pinsan niya sa kulay pink kaysa sa kaniya. Siya man ay naloloka sa pagka-pink ng buong kuwarto. Nasobrahan na. “Ayaw ko nga pero hindi ko naman ikamamatay,” sabi ni Reedz. “Sure ka?” Hindi na siya pinansin. Mukhang nakulitan na naman sa kaniya. “Gusto mong kumain?” pag-alok na lamang niya. Hinayaan na lang din niya ang kulay pink na kuwarto. “I prefer to rest,” sagot ng asawa. “Sige. M