“Ano ba ‘yang helikopter!” hiyaw ni Aling Flor nang parang tatangayin ito ng malakas na hangin. “Ay! Ay!” Madaling pinaghahawakan naman ni Aling Doreen ang mga natatangay na mga plato at baso. Tinulungan ito nina Gela, Jasper at Jomar. “Bakit ba ang baba ng helicopter na ‘yan?!” sigaw naman Elery na sa kapayatan ay halos malipad din sa ere. Mabuti na lang at matatag ang nobyo nitong si Gab sa pagkakahawak dito. Nabulabog sila sa chopper na mababa na nga ang lipad ay pabalik-balik pa. Paikot-ikot sa tapat ng bahay ni Aling Doreen. “Kay Kuya Reedz malamang ‘yan,” hanggang sa wala sa loob na naisabi ni Gela. “Ano?” parang bingi na tanong Aling Flor. “Sabi ko po ay chopper po yata ni Kuya Reedz iyan,” ulit ni Gela. “Paanong magkakaroon ng chopper ang karpintero na bayaw mo?” mapanliit n