Mula sa parang napakatagal na pagkakahimbing, biglang nagising si Reedz. Literal na bigla-bigla ang pagdilat ng kaniyang mata. At kahit may masakit sa bandang noo niya, pabalikwas din na napabangon siya. “Where I am?” tanong niya sa sarili nang hindi pamilyar sa kaniya ang kuwartong nabungaran. Simple lang at neutral ang mga kulay ng silid. Puwedeng pambabae, puwedeng panglalaki. Parang sumakit pa nga ang mata niya nang mapansin niyang bulaklaking pink ang kurtina. Nakakunot ang noong napaisip siya. Imposible na silid niya ang kinaroroonan. “Calynn…” at naisambulat na nga niya nang sinagot ng mabilisang pagdaan ng mga ala-ala sa isip niya. Naalala na niya ang lahat, nga lang kumirot na naman ang sugat niya sa noo. Muli’y bumangon ang takot sa kaniyang dibdib. Baka muli na naman siyang m