CHAPTER 46

2083 Words

“Ay, lintik kayong mga bata kayo. Ginawa niyo pa akong multo,” angil ni Lola Salome sa kaniyang mga apo nang makita nito ang mga reaksyon nila. Mas nanlaki pa kasi ang mga mata ng magpipinsan kasama na si Gab at Jasper. Patuloy rin sila sa pagsisiksikan sa sulok ng veranda. Ang luka-luka pang si Gela, itinulak si Jasper. Takot na takot tuloy na nagmamadaling napabalik si Jasper. Isiniksik ulit ang malaking katawan nito sa kanila. “Mukha na ba talaga akong patay sa inyo? Halinga kayo rito at nang mapalo ko kayo sa puwet nitong tungkod ko,” sabi ulit ni Lola Salome. “Lola?” Naglakas-loob na si Calynn. Humakbang siya ng dalawa palapit sa matanda. Tumino na ang isip niya. Animo’y nawala bigla ang alak sa dugo niya kaya naisip na niyang si Lola Salome nga nila iyon na hindi nila dapat katak

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD