CHAPTER 2

1412 Words
“Duty ka hanggang closing!” pinal na desisyon ng kaniyang manager. “Ma’am, naman? Hindi ko po deserve ito. Thirty minutes lang naman po akong late. ‘Tsaka masama na ba ngayon ang tumulong?” pagrarason niya pa rin kahit aminado siyang mali niya talaga bakit nagagalit sa kaniya ang manager nila. Gusto nga niyang pukpukin ang sarili niya, eh. Ano ba kasi talaga ang nakain niya’t nag-feeling tindera siya kanina Lux Fine Jewelry? Tsk. “Magpasalamat ka na lang at hindi kita ipa-fire!” Sa pagkarinig ni Calynn sa salitang ‘fire’ ay kinagat na niya ang kaniyang dila. Oras na para manahimik siya kundi malalagot na talaga siya. “Ano ba kasing nangyari sa ‘yo? Bakit late ka na naman?” usisa sa kaniya ng katrabaho at kaibigang si Yeyet. “Wala. Na-traffic lang.” Nakangusong padabog siyang umupo sa kaniyang puwesto. Nagsinungaling siya dahil alangan namang sabihin niyang ipinagtanggol niya ang kaniyang engagement ring, eh, di pagtatawanan naman siya. Nasermunan na nga siya, mapagtatawanan pa. Huwag na. Ang ending, kasama na talaga siya sa empleyado ng Golden Pawn hanggang closing. Hindi na rin siya nagreklamo dahil mas kailangan niya ng trabaho. Hindi maaari na matanggal siya o kahit masuspende. Nilunok na lang niya ang kaniyang pride. Buti sana kung puwedeng pambayad ng bills ang pride. “Tss,” ang lumabas sa bibig niya kasabay nang pagtirik ng kaniyang mga mata. Nakasakay na siya sa taxi pauwi at nang sumilip kasi siya sa bintana ng taxi na kaniyang kinasasakyan ay hindi daanan ang kaniyang nakita kundi likuran ng ibang mga sasakyan. Ang mukha niya’y parang nakakain ng ampalayang sobrang pait. Kaya naman pala parang naka-park na sila sa kalsada ay dahil sa napakatinding traffic. Hindi na maabot ng tingin ang dulo. Parang naka-park na ang mga sasakyan. Kailan kaya siya makakauwi nito? Nakakaloka. Laylay ang mga balikat na ibinalik niya ang likod sa pagkakasandal. Wala siyang choice kundi ang maghintay kung gagalaw pa ba ang taxi. Malayo pa siya sa kaniyang inuupahang apartment kaya hindi siya puwedeng bumaba at maglakad na lang. “Kuya, pakigising na lang po ako kapag malapit na tayo,” aniya sa driver nang ipinasya niyang iidlip na lang kaysa mangunsomisyon. Hindi na kataka-taka ang pangyayari dahil halos araw-araw naman na may traffic. Mas magtataka siguro siya kapag walang traffic. Nasa ibang planeta na siya kapag ganoon. “Sige po, Ma’am,” tugon ng driver. Sinilip siya sa may rearview mirror. “Siguro may banggaan na naman sa may tulay.” Tipid na ngiti ang kaniyang itinugon. Kung sa ibang pagkakataon siguro ay naiinis na siya, lalo na kapag nagmamadali siya. Kasabay ng buntong-hininga ay ang paghalukipkip niya saka pagpikit ng kanyang mga mata. Ipinusisyon niya ang kanyang sarili sa pag-idlip. Nang umundar ang taxi, kahit paano ay papunta na siya pagkakatulog, ang kaso ay biglang kumadyot naman ang taxi. “Pasensya na, Ma’am. May motor kasing biglang sumingit. Kung hindi ako nakapagpreno ay nasagi na sana,” nahihiyang eksplenasyon ng driver. “Ayos lang po,” mabait niyang sabi at itinuon na lamang ang tingin sa may labas ng bintana. Nawala na ang kaniyang antok. Nakita niya na nasa may bandang tulay na pala sila. Hindi nagtagal ay napakunot-noo si Calynn nang may makita siyang lalaki sa may tabi ng tulay. Lalaki na pamilyar sa kanya lalo na ang tindig kahit na ilang beses pa lang niya itong nakita. “Sir Reedz?” takhang sambit niya sa pangalan ng lalaki. Nagtaka siya dahil ano’ng ginagawa ng mayamang lalaki sa may tulay? Luh! Naku po! At nabahala na siya nang may hindi magandang pumasok sa kaniyang isipan. Na baka tatalon ito sa ilog. “Kuya, para po. Dito na lang po pala ako,” natarantang sabi niya sa driver ng taxi kasabay nang pagkuha niya sa wallet niya sa kaniyang shoulder bag. Dumukot siya ng dalawang daang piso at ibinayad. Sobra-sobra iyon sa nakalagay sa metro pero hindi na siya nag-abala na kunin ang sukli. Nagmadali na siyang lumabas. “Ma’am, sukli niyo po,” tawag sa kaniya ng driver. Narinig niya iyon pero nagbingi-bingihan siya. Hindi mahalaga ang sukli para sa kaniya sa sandaling iyon, ang mahalaga ay mailigtas niya ang lalaki. “S-sir, ayos lang po kayo?” alanganing papansin niya nang makalapit na siya kay Reedz. Naghintay siya na lilingain siya pero hindi nangyari. Ni hindi nga yata kumurap ang lalaki. Nakatanaw pa rin ito sa kawalan habang nakapamulsa ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa ng pantalon nito. Napakagat-labi si Calynn. Luminga-linga muna siya sa paligid. Hindi niya alam kung ano’ng gagawin para maagaw niya ang pansin nito. At nakita niya ang magara at mamahaling sasakyan sa may di-kalayuan na nakaparada. Nakailaw pa ang headlight. Kotse malamang ni Reedz. Kamay sa batok, ibinalik niya ang tingin sa binata. Lakas-loob ulit na kinausap. “Sir, ako po si Calynn Mendreje. Ang binilhan niyo ng singsing sa Lux Fine Jewelry kanina sa may Uptown Mall po kung natatandaan niyo po. At hindi naman po sa nakikialam ako pero makikialam na rin po ako. May problema po ba? Ano po’ng ginagawa n'yo rito sa may tulay?” Parang tanga pero namula ang pisngi niya nang sa wakas ay ibinaling na ni Reedz ang tingin sa kaniya. Nakagat din niya ang loob ng labi niya. Napakaguwapo naman kasi talaga ng mukong. Pinilit niyang ngumiti nang parang kinikilala siya ng lalaki. Pinag-blink-blink niya rin ang kaniyang mga mata. Hindi sa nagpapabebe siya kundi para matuon na talaga ang pansin nito sa kaniya at hindi sa iniisip nito na masamang gagawin. “Sir?” untag niya rito dahil parang hindi na lang siya kinikilala. Tingin niya ay hinuhubaran na ang kaniyang mga damit sa imahinasyon nito, which is papayag naman siya kung tutuhanin nito. Charot lang. “Yeah, how can I forget you? Eh, Ikaw ‘yung malas na sales associate sa Lux Fine Jewelry,” nga lang ay parang sampal na tinig na ni Reedz. Literal na nalaglag ang panga ni Calynn sa narinig. Napanganga siya. Ano raw? Malas siya? Paanong malas? Ang dami niyang tanong pero hindi niya maibigkas. Nanatiling nakatitig siya sa nagsalita. Guwapo na sana kaso mapanakit, besh! Minulagatan at nginisian siya ni Reedz. Ngisi na nagpapatingkad sa katotohanan na sinadyang tawagin siyang malas. “Pasalamat ka guwapo ka kung hindi ako na ang nagtulak sa ’yo para matigok ka na,” bulong ni Calynn sabay iwas ng tingin. “Pfft!” tunog pa ng hanging lumabas pa sa bibig niya. Humahaba-haba ang kaniyang nguso. “May sinasabi ka?” medyo may babala na tanong ni Reedz. Boss na boss ang tinig. Kay bilis na nagbago ang timpla ng mukha ni Calynn nang ibalik niya ang tingin dito. “Ah, eh, wala po, Sir. A-ang sabi ko po ay kay lamig dito. Bakit kayo nandito? Hindi ba kayo giniginaw?” “And why do you care?” Gusto sana niya na sanang supladahan ito. Hindi lamang niya ginawa dahil dihado siya. Mayaman ito at poorita lamang siya, baka kung saan pa mapunta. “Umalis ka na. Leave me alone,” pagpapalayas na sa kanya ni Reedz na muling tumanaw sa kawalan. Kaysa sundin ito ay humaba lamang ang kaniyang nguso. As if naman kaya niya itong iwanan sa ganoong sitwasyon. Malay niya ba kung tama siya ng iniisip na gagawin nito. Malalim ang ilog sa kaniyang pagkakaalam, delikado. Wait, hindi kaya nag-alala siya sa wala? Hindi kaya nawiwili lang ang lalaki sa pagtanaw sa mga ilaw ng mga establisyemento sa kabilang bahagi ng ilog kasi nga ang ganda kapag gabi? Gabi na kaya ang ganda ng San Juan River. Animo’y alitaptap ang mga ilaw ng mga bahay sa kabilaang gilid nito at mga gusali sa di-kalayuan. “Didn’t you hear me? I've asked you to leave me alone!” pagsusuplado na naman sa kaniya ni Reedz nang lingain siya. May kumislap sa gilid ng mga mata nito at malamang gawa ng inis sa kaniya. “Sorry, Sir, pero hindi ko po magagawang umalis na—“ paliwanag niya sana. “Hindi mo ba alam na ikaw ang naging malas ko?” ngunit singit ni Reedz “Po?” Nagulantang siya. Nang ilabas ng lalaki ang isang kamay sa bulsa ay may hawak iyon; ang velvet jewelry box na kinalalagyan ng singsing na binili nito kanina sa Lux Fine Jewelry. “Ang singsing ko!” hiyaw ni Calynn sa kaniyang isipan. Katulad ng diamond ring ay kumislap ang kaniyang mga mata sa katuwaan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD