PAGBALIK nina Nastya at Kirst sa mansiyon ay mukhang kararating lang ng kaniyang ama base na rin sa mga bodyguards na nasa labas. Pero mukhang may kasama itong dumating. At hindi nga nagkamali si Nastya. Pagbungad nila sa may receiving area ay nakatayo roon ang para kay Nastya ay isang unwanted guest sa kanilang pamilya. Napatingin siya kay Kirst nang maramdaman ang pagbaba ng kamay nito buhat sa pagkakaakbay sa kaniya. Deretso ang tingin nito sa nakatalikod na si Third na tila may ka-text sa cellphone nito. Bumaba ang tingin niya sa kamay ni Kirst at hinawakan iyon ng mahigpit. Nang muli niyang ibalik ang tingin sa kinaroroonan ni Third ay nakatingin na ito sa kanilang dalawa ni Kirst. Hindi nakaligtas sa kaniya nang bahagyang tumiim ang labi ni Third nang makita si Kirst. Ramdam ni N

