"MUKHANG magkakaroon pa ako ng kaagaw sa atensiyon ng mahal ko," walang kangiti-ngiting wika ni Kirst nang pumwesto ito sa tabi ni Nastya. Fresh from the night bath. Mula sa kanina pang pinagmamasdan ni Nastya na mga goldfish ay ibinaling naman niya ang kaniyang atensiyon kay Kirst. Tapos na silang mag-movie marathon. Nakapag-night bath na rin siya at nakapagpalit na nang damit na pantulog. At habang nasa banyo nga si Kirst sa silid nito ay naroon naman siya sa may salas at walang sawang pinagmamasdan ang mga isda sa paglangoy. Nakakagaan ng pakiramdam ang mga isda na iyon. Pinisil niya ang tungki ng ilong ni Kirst. "Bakit nahihimigan ko yata ang selos sa boses ng daddy ko?" nangingiting biro niya rito. "Nakikini-kinita na naman kita sa vision ko na hi-hypnotize-in ka ng mga goldfish n

