HUMINGA muna si Niña nang malalim bago bumaba sa kaniyang sasakyan. Lahat ng naka-convoy sa kaniya na sasakyan ay naka-alert sa hindi kalayuan ng bahay ni Third. At bago sila kanina pumasok sa loob ng exclusive village na iyon ay binilinan na ang guard house na huwag na huwag tatawag sa bahay ni Daniel Tenorio III na may mga police na kasama si Niña. Nasa bahay lang ng araw na iyon si Third at hindi pumasok sa trabaho dahil anito sa kaniya ay masakit ang ulo nito. Siguro, dahil nagpakalasing ito kagabi. Nakailang tawag ito sa kaniya kagabi ngunit hindi naman niya sinasagot. Umaga na nang mag-text siya rito na nakatulog na siya kagabi kaya hindi na niya nasagot ang tawag nito at ngayong hapon nga siya pupunta sa bahay nito. Tinawagan pa niya ito sa cellphone nito na naroon na siya, papas

