Parang pinagsakluban ng langit at lupa si Brai sa narinig mula kay Maria, tama nga ba ang kanyang narinig? "Ano sabi mo, pakiulit?" ani Brai kay Maria. "Ano? nagulat ka?" taas kilay na sagot ni Maria. "Ibig sabihin ikawa ng tinutukoy ni Matthew na kanyang asawa?" gulat pa rin tanong ni Brai kay Maria. "Isang beses ko lang ulit na sasabihan sayo, "Ako ang asawa ni Matthew!" sabi ni Maria dito. "Ikaw nga." sabi ni Brai dito. "Oh bakit kong ako? bakit parang gulat na gulat ka ata?" tanong ni Maria dito. "Sagutin mo tanong ko bakit ka andito? bakit ambilis mo ata nakarating dito, parang magkasunod lang tayo ah?" panghuhuli ni Maria dito. "Wala nabalitaan ko lang." pagpapalusot ulit nito. "Ang galing mo din ano sa balita, or baka naman talagang pumunta ka dito para tingnan ang iba pang