"Kilala mo?" naguguluhang tanong ni Maria kay Matthew dahil parang mas nagulat pa ata si Matthew ng makita nito ang babae. "Oo, kilalang-kilala ko s'ya nag-iisang pinsan s'ya ni Brai." ani Matthew. Halos hindi naman makapagsalita si Maria sa narinig mula kay Matthew, kaya pala noong nangyari ang pamamaril sa bahay nila alam na alam nito at agad itong sumugod sa hospital noong nalaman ito na nabaril si Liza, dahil ayaw n'yang malaman ni Maria na si Liza pala ang pinuntahan nito at hindi si Mattew. "Ano? sigurado ka ba sa sinasabi mong pinsan s'ya ni Brai?" pag-uulit ni Maria ng tanong kay Matthew. "Oo pinsan s'ya ni Brai, bakit andito s'ya sa pinas, walang binabanggit sa'kin si Brai na anditon si Liza sa bansa at bakit sayo pa talaga nag-apply ng trabaho eh malaki naman ang kompanyan ni