"Pwede na kayong umalis, mga sir," utos ni Matthew sa mga police. At kaagad naman na tumalima ang mga ito. "Pero hindi pa tayo tapos mag-usap," wika ni Vivian. "Walang dapat na pag-usapan. Kung gusto ninyo ng pirmahan, lawyer dapat ang kinuha ninyo at hindi police. For what? Para takutin kami? Diyan kayo nagkakamali," wika ni Maria. "Tumahimik ka dahil wala kang alam sa mga ganitong usapan," wika ng ina ni Matthew. "Oh! Talaga? Bakit ikaw, may alam ka ba, ha?" singhal ni Maria. "Matthew, kung hindi mo siya paaalisin sa pamamahay na ito, ako ang aalis!" pananakot ng ina ni Matthew sa kanya. Naghihintay naman ng kasagutan si Maria at ang lahat kung ano ang isasagot ng binata sa ina. "Ma, kung gusto ninyong magkasundo tayo, h'wag na h'wag ninyo akong pangunahan sa mga desisyon ko. Asaw