Dahil sa nalaman na ni Maria ang kanyang totoong kalagayan, hindi niya alam kung maging masaya ba siya or malungkot sa nalaman. Gusto man niyang sabahin sa asawa pero mas gusto muna niyang huwag ipaalam muna haggang kaya pa niya dahil magulo pa ang nasa paligid niya. Halos mabaliw naman si Donya Vivian sa loob ng kulungan, dahil nahihirapan siya doon parati ang utos sa kanya ng mga kasamahan niya sa loob ng kulungan. Halos naisip na lahat ni Veronica ko Kung paano at saan sila kukuha ng pera para makalabas ang Ina sa kulungan. "Konting tiis nalang makakalabas ka din." usa ni Veronica sa sarili. "Malapit na tayong magkita Maria," wika ng lalake sa sarili. Dahil masama parin ang pakiramdam ni Maria ay hindi pa ito bumabangon, wala ang anak nito sa bahay dahil doon natulog sa kanyan