Matapos binasa ni Matthew ang sulat ni Maria ay pinunit niya ito. "Mariaaaaaa!!!", sigaw ni Matthew na napaluhod na ito. "Bakitttttt? Bakit mo ako iniwan ngayon? Handa na akong pakingan ang lahat, ngayon mo pa ako iniwan", nakaluhod na umiiyak si Matthew magsisi man siya huli na.. == Lumipas ang ilang linggo wala ng ginawa si Matthew kundi maglasing. Hindi niya alam kong nasaan ang asawa at hindi niya alam kong saan niya ito hahagilapin o saang panig ng mundo. Sobrang sakit sa kanya ang mga nangyari, lalo na kong naalala niya ang masasayang araw na kasama niya ang dalaga ang mga ngiti nito ang pagkabungangera ang pakikipag salitan ng salita sa ina at kay Veronica napapangiti nalang siya ng mapait, pag naalala niya ang mga nagdaang araw na kasama niya ito. = New York Puspusang pag