Parang pakiramdam ni Luke ay nanghihina na siya, napaluhod na ito sa semento halos hindi na niya alam ang kanyang gagawin, hinihintay parin nila na ma-save si Wai, nasa loob pa si Harold inutusan lang nito ang isang Doctor na sabihin kina Maria na maghanda sa anumang resultang lalabas mamaya. Natanggal na ang bala sa katawan ni Wai, pero walang kasiguraduhan na mabubuhay ang babae, tanging dasal at himala na lang talaga para sa babae pero sabi nga ni Harold gagawin nila lahat para maisalba ang buhay ng pasyente. "Tahan na ipagdasal natin na malalampasan ni Wai ang lahat, alam kong malakas siya at lalaban siya." ani Matthew kay Maria na panay pa rin ang iyak. "Luke!" sambit ni Maria ng makita nya itong umaagos ang dugo sa kanyang sugat dali-dali namang tumawag si Maria ang nurse para gamu