Halos napabalikwas si Maria sa narinig na nakalaya na si Donya Vivian at nakapag pyensa ito, sa isip ni Maria saan kumuha ng malaking pera ang Donya. "Bakit anong meron at gulat na gaulat ka,?" tanong ulit ni Matthew dito. "Nakapag-pyensa na si Vivian at hindi ko alam kung saan kumuha ng pera ito." Sagot ni Maria kay Mattew. "Anong balak mo ngayon?" pag-aalalang tanong ni Matthew dahil alam nitong babalikan nila si Maria at malaking laban ang haharapin ng asawa, at hinding hindi niya ito hahayaang mag-isang humarap sa kanilang lahat. "Hindi!" sa isip ni Matthew. "P'wes kung akala nila tatahimik lang ako nagkakamali sila dahil nag-uumpisa palang ang laban, laban na hinding-hindi ko uurungan!" galit na wika ni Maria. Masayang-masaya sina Donya Vivian at Veronica dahil sa wakas nakalab