"BRAI?" Napa balikwas nang bangon si Wai sa sobrang gulat nito. Sa tagal ng panahon bakit bigla itong nakaalala, pinag-ring lang nito ang kanyang number at agad ding pinatay. --- Sa gulat naman ni Brai dahil sinubukan lang n'ya ito, hindi n'ya akalaing mag-ring ang number ng babae, dahil sa tagal ng panahon. "Ibig sabihin nasa bansa na s'ya at andito na?" tanong ni Brai sa isip n'ya. Hindi n'ya akalain na ang minsa'y pagkakamali ay tumatak na sa kanyang puso't isipan, parang sumpa na ata sa kanya ang nangyari halos dalawang taon ang nalilipas. --- "Kung magkikita man tayong muli, hindi na ako ang dating Wai, na magmamakaawa sayo!" mariin na sabi ni Wai sa kanyang isip. At sisiguraduhin kung ikaw naman ang papahirapan ko, sa isip ni Wai. Tinawagan naman ni Wai si Maria at tinanong